ANG nineteen-year old Filipino— American hoops star Jalen Puruganan Green ang napili No.2 overall nang Houston Rockets sa 2021 NBA Draft sa New York Huwebes.
Bago ipatong ang pulang sombrero, Green ay nakasout ng sparkling suit, ay niyakap ang Filipino mom Bree at ang kanyang boung Fil-Am family.
Kalaunan ay nagtungo sa media room kung saan ay nakipag-tsismis sa mga reporters ng personal at vertually.
“I’m always excited to represent the Philippines. So, the fact that there’s ties in Houston, it’s kind of like it was scripted. So, I’m excited to take that out there and just represent and put on for the Philippines and can’t wait to meet everybody and see the fans. It’s going to be exciting,” buladas ni Green.
Si Green na lumaki sa Fresno,California, ay makakasama ang reigning Sixth Man of the Year Jordan Clarkson na tanging active Filipino-American players sa liga.
“I’m excited, I can’t wait. I cannot wait, I’ll tell you that much,” Wika nya.
Kasama si Green sa Houston team rebuilding phase na nagtapos last sa NBA na may 17 panalo. Ang franchise ay nagwagi ng back -to-back titles sa 90’s pero hindi na nakarating sa finals simula noon.
Si Green ay tumigil sa college para pumasok sa NBA G League’s Professional Pathway Program kung saan nag averaged siya ng 18 points sa laro kontra veteran players.
Ilan sa kanyang prep-to-pros teammates sa G league ay napili rin sa draft.
Ang Detroit Pistons ay napili ang Oklahoma State guard Cade Cunningham na No.1 overall.
The post Fil-Am Jalen Green sabik na katawanin ang PH sa NBA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: