Facebook

Hagupit ng habagat: 3 patay, 5 sugatan

TATLO katao ang nasawi at lima ang sugatan sa matinding pag-ulan at malakas na hangin dulot ng habagat, ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, isa ang namatay nang tamaan ng bumagsak na punong-kahoy habang dalawa ang natamaan ng kidlat.

Dagdag pa ni Timbal, sumampa na sa 44,563 individuals ang inilikas at kasalukuyang tumutuloy sa 81 evacuation centers nationwide dahil parin sa southwest monsoon.

Pinag-iingat parin ng NDRRMC ang publiko dahil kahit wala na ang Bagyong Fabian sa Norte ay magdudulot pa ng pag-ulan ang habagat.

Nabatid na ilan sa mga siyudad sa Metro Manila ay binaha sa patuloy na pag-ulan.

Samantala, sa panig ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), dahil sa patuloy na habagat ang Metro Manila, Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Calamian Islands ay makakaranas parin ng monsoon rains.

Makakaranas naman ng maulap na panahon na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms, ang Cagayan Valley, Antique, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon, at Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan.

Habang ang ibang lugar sa bansa ay magkakaroon ng bahagya hanggang maulap na panahon na may kalat-kalat ng pag-ulan at thunderstorms.

Pinaalalahanan din ng PAGASA na posibleng magkaroon ng flash floods o landslides sa mga nabanggit na lugar dahil sa habagat.

The post Hagupit ng habagat: 3 patay, 5 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hagupit ng habagat: 3 patay, 5 sugatan Hagupit ng habagat: 3 patay, 5 sugatan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.