MASUWERTENG hindi napuruhan ang hepe ng Bacolor Police sa Pampanga nang araruhin ng sasakyan ng kanyang aarestuhing motorista sa Barangay Masamat, Mexico, Pampanga.
Sa report, aarestuhin sana ni Police Major German Pascua, ang hepe ng Bacolor Police, ang isang suspek sa insidente ng basag-kotse sa San Guillermo church sa Bacolor nang makaladkad ng sasakyan ang opisyal.
Nagtamo ng mga sugat si Pascua, habang naaresto rin ang suspek na kinilalang si Daniel Mercado matapos na mabangga ang sinasakyan nito sa isang puno.
Nag-abot na ng tulong si Police Regional Office 3 director Brigadier General Valeriano De Leon kay Pascua at personal niya rin itong binisita sa sa pagamutan.
Bukod sa kasong theft, mahaharap din si Mercado sa kasong direct assault, attempted homicide at resistance and disobedience to an agent of person in authority.
Sa imbestigasyon, nabatid na may apat na warrant of arrest si Mercado na kinabibilangan ng Robbery and Malicious mischief sa Olongapo City at Theft sa Tarlac City at Cainta, Rizal.
The post Hepe ng Bacolor Police inararo ng aarestuhing ‘basag kotse’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: