ISABELA – Himas-rehas ngayon ang dalawang pekeng dentista nang mahuli ng National Bureau of Investigation (NBI)-Isabela sa Cauayan City.
Kinilala ang mga dinakip na sina Jinky Gammad at Sherica Innah Suguitan na kapwa residente ng San Mariano, Isabela at nagtratrabahao sa Aldave Dental Implant.
Una rito, nakatanggap ng sumbong ang NBI-Isabela na may nag-o-operate na dental clinic sa Cauayan City partikular sa kahabaan ng lansangan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay District 1 na hindi umano lisensyado ang dentista.
Nagsagawa ng operasyon ang NBI. Nagpanggap ang dalawang agents na magpapalinis ng ngipin at dito ay positibong natukoy na walang kaukulang dokumento, special permit, at lisensya sina Gammad at Suguitan.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9484 o Philippine Dental Act of 2007 Illegal Practice of Dentistry ang dalawa.
Nabatid na nagbukas ang naturang clinic noong June 28, 2021 kungsaan nagkaroon pa ito ng libreng linis ng ngipin bilang pang-akit sa kanilang mga kostumer. (Rey Velasco)
The post 2 pekeng dentista kulong sa NBI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: