PARALISADO man ang kanang kamay, ‘di tumigil si Patrolman Noel Amor sa pagtuturo sa mga bata sa KM 31, Barangay Dagohoy, isang malayong lugar sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte.
Kabilang si Amor sa mga tinatawag na revitalized police ng barangay na inatasang magturo sa mga estudyante dahil malayo ang eskwelahan.
Noong Nobyembre, nasugatan si Amor nang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) habang naghahatid ng mga module.
Hindi pa man tuluyang naooperahan ang pulis ay nagpapatuloy ito ngayon sa pagserbisyo sa kanyang mga estudyante.
Sa isang press statement, binigyang pugay ni PNP Chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar, si Amor dahil hindi nito ininda ang kanyang kondisyon makatulong lang sa mga bata.
Inatasan rin ni Eleazar ang PNP Health Service para matulungan ito sa kanyang pagpapagamot.
The post Pulis na naparalisa nagtuturo sa mga bata appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: