Facebook

Matandang Fil-Am nagmamakaawa sa CA

SA taglay na iba’t ibang karamdaman ay nagmamakaawa ang isang 71-anyos na FILIPINO-AMERICAN.., na huwag siyang palayasin sa ating bansa dahil lamang sa FALSE ACCUSATIONS na inihain ng dati niyang asawa.

“This is a grave injustice. Based on fake papers (evidence), he was ordered arrested and deported. There are other natural-born Filipinos who are similarly situated to Walter Manuel Fernandez Prescott,” pahayag ni FORENSIC EXPERT-LAWYER DR. ERWIN ERFE sa ginanap na PRESS CONFERENCE VIA ZOOM.

Ang tinutukoy na fake accusations ay ang inihaing reklamo ng asawa ni PRESCOTT na si MARIA LOURDES DINGCONG na hinde raw natural-born Filipino itong si PRESCOTT.

Kinondena naman ng PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) ang ginawang pagbawi ng DEPARTMENT OF JUSTICE, na noo’y si SEN. LAILA DE LIMA ang JUSTICE SECRETARY sa citizenship ni PRESCOTT. Hinde umano ipinanganak sa PILIPINAS at nagsinungaling pa umano si PRESCOTT sa pagsasabing ang kaniyang ama ay isang FILIPINO.

Bunsod nito, ang PAO ay naghain ng very urgent motion for reconsideration upang bawiin ang June 25 Court of Appeals decision na deportation kay PRESCOTT dahil ito ay hinde banyaga, kundi natural-born Filipino citizen na ipinanganak ito noong April 10, 1950 sa MANILA at ang kaniyang ina ay si HILDA FERNANDEZ.

“Prescott did not misrepresent and did not commit any fraud that his father was a Filipino citizen,” pagpupunto ni PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA.

Noong 2008 ay pinaboran ng DOJ ang citizenship ni PRESCOTT at noong September 1, 2009 ay nabigyan ito ng PHILIPPINE PASSPORT.., yun nga lang noong 2014 ay kinansela ni DE LIMA ang passport nito. Hinde raw natural born Filipino etong si PRESCOTT at noong 2015 ay naglabas ng deportation order ang DOJ para pabalikin na ito sa America.

Bukod dito, ang BUREAU OF IMMIGRATION ay inakusahan si PRESCOTT ng mga kasong krimen sa lower courts ng QUEZON CITY at MANILA…, pero wala namang nakahaing mga kaso at naglabas ng COURT CERTIFICATIONS na walang kasong nakahain laban kay PRESCOTT.

“Why is Senator Grace Poe, who ran for presidency, granted the Filipino citizenship even if her parents are unknown? Prescott is no longer a US citizen when he renounced his allegiance to the country, where he was born,” pagpupunto ni DR. ERFE.

Si PRESCOTT na naka-wheelchair at may dextrose pang nakakabit sa kaniyang braso na iniharap din ng PAO sa ginanap na PRESS CONFERENCE VIA ZOOM, ay nagpahayag na narito sa PILIPINAS ang lahat niyang mga kamag-anakan. Ang mga magulang niya ay dito nakalibing at nais din umano niyang dito rin siya mamalagi.

Aminado etong si PRESCOTT na nagtrabaho siya noon sa WORLD BANK (WB) sa WASHINGTON DC magmula ng 1983 hanggang 2010 at siya ay naging AMERICAN CITIZEN at nakapag-asawa ng American citizen na si Maria Lourdes Prescott.

Aniya, mayorya sa mga PINOY na nasa ibang bansa ay pangarap sa kanilang pagreretiro sa trabaho na muling makabalik sa ating bansa at dito na mamalagi sa kanilang pagtanda.

Kaya naman, nasa COURT OF APPEALS ang kapag-asahan ngayon ni PRESCOTT na huwag siyang palayasin sa ating bansa dahil dito siya ipinanganak at hinde sa ibang bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Matandang Fil-Am nagmamakaawa sa CA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Matandang Fil-Am nagmamakaawa sa CA Matandang Fil-Am nagmamakaawa sa CA Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.