DESIDIDO na umano si Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown na idulog kay Pope Francis ang hinaing ng mga pamilya na nabiktima ng anti-drug war campaign sa Pilipinas.
Ayon sa ulat ng CBCP News, personal na kinausap ni Archbishop Brown ang mga naulila ng drug war sa St. Arnold Janssen Kalinga Center sa Manila.
Ayon kay Archbishop Brown, “deeply moved” siya sa mga salaysay ng mga pamilya.
Napag-alaman na nakausap ni Archbishop Brown ang may 8 indibidwal na namatayan sa drug war campaign sa bansa.
“I am deeply sorry for everything that you have to go through,” pahayag ni Brown sa CBCP News.
Nangako si Archbishop Brown na sasabihin niya kay Pope Francis ang mga hinaing sa nakatakdang pagbisita sa Santo Papa sa buwan ng Oktubre.
“I assure you that Pope Francis is close to you. In fact I would be going to see Pope Francis in October and I promise you I will tell him about this experience in person,” ayon sa Arsobispo. (Josephine Patricio)
The post Hinaing ng mga biktima ng drug war idudulog kay Pope Francis appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: