Facebook

Provinces na apektado ng ‘Delta variant’ bigyan ng dagdag pondo – VP Leni

IMINUNGKAHI ni Vice President Leni Robredo na dapat bigyan ng gobyerno ng karagdagang pondo ang mga probinsya na apektado ng Delta Variant ng Covid-19.

Ayon kay Robredo, ang karagdagang pondo ang gagamitin ng mga rehiyon upang makabili ng dagdag na medical equipment at dagdag na tao at malabanan ang posibleng pagbulusok ng Delta variant cases.

Aniya, kung ang mga pagamutan sa Metro Manila ay hirap na labanan ang pagsipa ng covid cases nitong nakaraang Marso, lalo na ang mga nasa probinsya na kulang sa kagamitan at kapasidad.

Una nang nagbabala ang Octa Research Group na posibleng maranasan ng Pilipinas ang nangyari sa Indonesia na nakapagtala ng 47,000 cases kada araw.

Ipinag-utos na rin ng Department of Health (DOH) ang pagdagdag ng mga hospital beds at pag-monitor sa mga oxygen tanks bilang paghahanda sa posibleng pagsipa ng covid cases dulot ng Delta variant. (Jonah Mallari)

The post Provinces na apektado ng ‘Delta variant’ bigyan ng dagdag pondo – VP Leni appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Provinces na apektado ng ‘Delta variant’ bigyan ng dagdag pondo – VP Leni Provinces na apektado ng ‘Delta variant’ bigyan ng dagdag pondo – VP Leni Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.