Ni WALLY PERALTA
MARAMING namangha sa larawan na ini-upload ni Jillian Ward sa sariling social media account na suot nito ang isang dress na hapit sa kanyang katawan at kitang-kita ang ganda ng kurba ng body.
Marami tuloy na nag-akalang kaya blooming at seksi ngayon ang dating child star ay dahil in love na raw ito ngayon. At dahil sa kaseksihan na ito ni Jillian ay agad umabot ng libo ang likes and share sa kanyang larawan sa loob lang halos ng ilang oras matapos itong mai-upload.
In lababo ba si Jillian at ito ang kanyang sikreto kung bakit blooming siya nowadays?
“Wala naman pong secret pero happiness po talaga. Pag masaya ka po kasi, makikita po ‘yun kahit sa physical appearance mo,” say ni Jillian.
Inamin din ni Jillian na isang dahilan din kung bakit siya happy ay sa balitang naiparating sa kanya na tuloy na tuloy na ang Book 2 ng super hit na serye nilang ‘Prima Donnas’. At dagdag pa sa kasiyahan ni Jillian ay ang buong cast and staff ng original team nila sa ‘Prima Donnas’ ang makakatrabaho niya muli plus may madadagdag pang ilang bigating artista.
***
HINDI ganun kadali para sa isang Gladys Reyes na tumanggi sa mga project lalo pa at limited ang mga karaketan ngayon sanhi ng health crisis.
Ilan nang project ang hindi tinanggap ni Gladys nitong pandemya, marami na rin, bukod kasi sa iniisip niya ang kalusugan ng kanyang pamilya, eh aminado ng aktres na malaki ang takot niya sa swab test.
Pero sa ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento’ ay kasama siya sa casts. Does it means di siya nag-swab test nang mag-join sa taping?
Sabi ko, kung babalik ako sa work, ‘Sana po sitcom muna.’ Pinag-pray ko kay God. Parang warm-up muna if ever na magse-serye ako in the future. And then finally, ito, dumating itong Pepito Manaloto and ang good news do’n, hindi lock-in so, tuwang-tuwa ako. Kasi, parang sign ni God na hayan, p’wede ka nang mag-work ulit, uwian yan.”
“Medyo takot din kasi akong mag-swab, isa ’yun sa challenge sa akin,” pag-amin niya. “Pero, Pepito Manaloto lang ang nakapagpa-swab sa akin. Ang dami kong tinanggihang ibang shows and series and even guesting. Kahit ang ganda ng role sa Magpakailanman, hindi ko matanggap-tanggap kasi nga natatakot ako do’n sa swab.”
So, ang ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento’ ang naging daan para magpa-swab test siya?
“Yes, kasi ’yung ginawa naming endorsement noon na shoot, dito rin sa bahay, saliva test. Ngayon ko lang na-experience [ang magpa-swab] dito sa Pepito… at okay naman pala. Hindi naman pala masakit…well, yabang!” natawang biro niya
Inamin din ng magaling na aktres dahil wholesome ang show na ito nina Michael V at pwedeng panoorin ng kanyang mga anak ay pinangarap talaga ni Gladys mapasama dito.
Kaya nang ialok sa kanya na maging Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento’ ay di na siya nagdalawang isip at nilabanan ang takot na magpa-swab test.
The post Jillian inlab na kaya sexy at blooming appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: