NOONG naolats sa halalang nasyunal at nawala sa sirkulasyon si KOIKS ay wala siyang masulingan.
Kasabay ng pagiging pangulo naman ni PDu30, ipinuwesto siya(after one year) sa administrasyon hanggang dumating ang election 2019 ay wagi na siya bilang alkalde ng kabisera ng bansa.
Nagpasiklab agad si YHORME matapos niyang linisin ang nadugyut na lungsod sa kapitolyo ng bayan ni Juan. TInanggal ang mga hambalang sa kalsada. dinisiplina ang mga tsuper na pasaway sa siyudad.itinaboy ang mga bagamundo at nilambat ang mga kriminal. Inilawan ang mga tulay, inayos ang mga ginawang haybol ng mga pulubi na mga parke, klinaro ang mga underpass,flyover atbp. Dahil sa pasiklab ay biglang sikat ito di lamang sa lungsod kundi sa buong bansa pati sa ibayong dagat.
Dahil ang nasalaulang siyudad ay binihisan na at pinabango ni YHORME kaya naging kaaya-ayang tingnan ng lahat ng turistang lokal at dayo na yao’t parito. Tunay na nakaka-SENGLOT ang biglang kasikatan.
Tanyag na si YHORME noong TAARTITS pa siya pero mas popular siya ngayon dahil sapol niya ang masa at matagal nang hiling ng kanyang konstituwante na linisin at ayusin ang lungsod na siyang bintana sa mundo ng bansa.
Isa nga ang abang- korner na ito sa sumaludo sa pamamagitan ng UPPERCUT kay YHORME noong bagu-bago pa siyang pinuno sa sitihol. Nag-iba ang awra ni KOIKS noong feel niya ay gusto na nang sambayanan na maging ama siya ng bayan ni Juan. Ika nga ni Kotsron, umakyat na daw ang ere sa tuktok ng na-senglot na si KOIKS. Nakalimutan na nga niya ang pabor na nagawa sa kanya ng administrasyon at bandang huli ay pinatutsadahan na niya si PDigong at anak nito na magiging karibal niya sa bente y dos kunsakale.
Nalaman tuloy na isa raw siyang TOINGRAT o ALAWS utang na OBLO sa mga nakatulong sa kanya sa karera-politika. Nabisto pa daw ang tunay na kulay ni YHORME na kabilang daw siya sa mga kolor-oposisyon at komunistang pulahan( baka dehins naman o fren lang) kaya dumistansiya tuloy ang maraming tagahanga niya na isinumpa ang nakaraang.rehimen na nagpagupo sa bayan ni Juan.
Dahil sa ambisyong nasyunal, naging ningas-cogon tuloy ng pasiklab ni YHORME sa lungsod na iskeypgot ang pandemya.LEKBA ang mga kadugyutan,pasaway.batang hamog , riot sa kalye,petty criminals atbp.kahit lumibot ka.
Sabi nga ng barberong si TARAN BALIG, LHAWDI at LHAPU-LAPU aniya si YHORME! Ibig sabihin, kulay dilaw at pulang-pula?.. KISOPDET yan sa karerara politikal huwag maging HANGAL! Esep-esep YHORME..lalong ayaw ni sundalong Juan na maging kumander-in-tsip siya ng mga komunistang TERROREDS.Para sa reaksiyon, #09199845253.
HIIGIT isang buwan pa ay sasabak na uli sa basagan ng mukha si Pambansang Kamao Sen. PACMAN. kontra delikadong kalabang Egoy na si Errol Spence,Jr.para sa world title.Wish ng Uppercut ang kanyang tagumpay at nawa’y sa kanyang pagbabalik ay matauhan na siya sa kanyang nalilihis na political carreer.Good luck aydul!
LOWCUT- Belated birthday shoutout kina M-24 Maharlikans Sis Ethyl Opay, Bro Denis dela Cruz, Sis Rizza ‘Ysang’ Lazinas ng Caloocan Group ni Bro Randy Meses Mabuhay founder Doc Chito Collantes M24B1024, Bro Armando Quimirista,.FYI:Next month ay tuloy na ang ating proyektong DanniGilas ARTS Clinic for kids (young artists) sa countryside..
ABANGAN!
The post LHAPU-LAPU AT LHAWDI SI YHORME? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: