Facebook

Chery Tiggo nangibabaw kontra PLDT sa PVL opener

WINASIWAS ng Chery Tiggo ang PLDT Home Fibr,25-20,25-17,25-6 sa pagbukas ng Premier Volleyball League Open Conference sa PVC Socio-Cultural Civic Center sa bacarra, Ilocos Norte.

Pinamunuan nina Joy Dacoron,Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago ang opensiba ng Chery gamit ang pinagsamang 36 points para ibulsa ang kanilang unang tagumpay sa makasaysayang simula ng local volleyball kumpetisyon.

Umiskor si Dacoron ng 13 points,habang ang magkapatid na Jaja at Dindin nag-ambag ng 12 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

Pinuri ni Chery Tiggo coach Aaron Velez ang kanyang players na sinimulan ang kanilang kampanya na malakas pero pinuna na maraming bagay pa ang dapat e-adjust matapos matingga ng halos mahigit isang taon dahil sa pandemic.

“Na-perform naman nila yung kanilang mga roles, however, this is still part of our adjustment period so we need to still push harder,” Wika ni Velez.

Pinangunahan ng Santiago sisters ang opensiba ng Chery Tiggo gamit ang pinagsamang 17 ng teams 38 attacks,habang si Dacoron ay bumakas ng anim at nine blocks.

Wala sa PLDT ang umiskor ng double figures tanging sina Isa Molde at Joy Soyud ang nagtala ng eight at seven points.

The post Chery Tiggo nangibabaw kontra PLDT sa PVL opener appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Chery Tiggo nangibabaw kontra PLDT sa PVL opener Chery Tiggo nangibabaw kontra PLDT sa PVL opener Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.