GRABE namang manglait itong si Pangulong Rody “Digong” Duterte. Parang ‘di lider ng bansa.
At tila walang utang na loob si Digong sa mga taong tumulong sa kanya para maging presidente mula sa ‘di kilalang pagiging mayor lamang.
Ang tinutukoy ko rito ay ang pagmahak niya kina dating Senate President Koko Pimentel at Senador Manny Pacquiao, ang ilan sa mga politikong nakapagbigay kay Digong ng malaking boto noong 2016.
Mantakin mo, matapos siyang ampunin ng PDP-Laban noong 2016, hinahamak niya na ito ngayon. “It was a father and son party, period! And they are not even recognized in Cagayan de Oro City. Totoo ‘yan. I am not trying to throw an insult. They cannot win. Magtakbo ‘yang si Koko maski barangay captain, talo ‘yan sa kanila.”
Resbak naman ni Koko: “How can Tatay Nene ‘not be recognized’ in Cagayan de Oro City when he became Mayor and Assemblyman of CDO? And once represented tha area in the Constitutional Convention? Also winning multiple national elections (as senator) and even became Senate President?”
Ito ang patunay na sa politika, walang permanenteng kaibigan o kakampi, kundi puros personal na interes lamang. Mismo!
***
KAWAWA naman itong iniidolo nating broadcast journalist na si Ces Drilon. Magmula kasi nang mawala ng prangkisa ang ABS-CBN mukhang kapit na siya sa patalim? Kung sabagay, aanhin mo nga naman ang kredibilidad kung wala ka namang datung? Hehe..
Tungkol ito sa inilunsad niyang radio talk show na katambal si ‘Ang Probinsyano’ Partylist Rep. Alfred Delos Santos.
Sa mga ‘di nakakakilala kay Delos Santos, siya ‘yung nang-umbag ng waiter sa Legazpi, Albay. Aray ko!
Ang ‘di ko lang maitindihan kung bakit pumayag si Ces ma-ging katambal itong Delos Santos samantalang napakarami namang matitino at magagaling na broadcasters na pwede sana…
Eh kapag i-type mo nga sa Google ang pangalang Alfred delos Santos ay agad mong mababasa ang nagkalat na video at news articles tungkol sa kanyang pang-uumbag dahil lango ito sa alak.
Dahil dito, kinuyog ng bashers si Ces Drilon sa kanyang Instagtram account matapos niyang ianunsiyo ang kanilang prog-ramang “Basta Promdi, Lodi” kasama si Boy Umbag.
“Marami pang ibang interview po. There nothing good that congressman brings anywhere. Pro tip po!!haha,” say ni genevievecaparas sa kanyang comment.
“ Talaga bang co-cost mo yan?Hahaha you can get more way way credible people. You have more time po!” sabi naman ni tifftoneysoriano
“ Nice comeback @cesdrilon BUT THAT GUY?? Will affect you reputation and good public character. Beware po, “ reak ni iamkinsleyboucher.
Well, marahil isang blocktime program ang kanilang talkshow o binayaran ang istasyon upang magkaaroon ng time slot sa radyo? Wala naman talaga kasing “K” itong si Delos Santos para maging radio host. Bubulol-bulol nga ito kung nagsasalita at ang babaw kung mag-isip.
Ang tanong ngayon ay kung kaninong pera galing itong ipinambabayad para sa blocktime? Malabong-malabo naman siguro na magkaroon ito ng mga advertisement maliban na lamang kung brinaso ang mga ito?
At ano na nga pala ang nangyari sa kanyang ethics case sa Kongreso? Bakit hindi siya napatawan ng kahit anong kaparusahan,bagkus ay ginawa pa siyang deputy majority leader?
Ang nakakaawa ay itong si Ces dahil tiyak masisira ang kanyang kredibilidad dahil nagpagamit dito kay Boy Umbag. Mismo!
The post Digong vs Koko; at tambalang Drilon at ‘Boy Umbag’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: