Facebook

PASTORA, NEGOSYANTE PATAY SA AMBUSH!

ISABELA – Nasawi ang isang pastora at kasama nito sa negosyo nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa national highway ng Barangay Santa, Tumauini dito sa lalawigan.
Kinilala ang mga biktima na sina Winnie Ingaran, pastora, residente ng Bgy. Anao, Cabagan; habang ang kasama nito ay si Marisa Antonio ng Casibarag Sur, Cabagan.

Sa report, bandang 4:00 ng hapon nang makarining ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga pulis na nasa checkpoint kaya’t agad nilang tinungo ang lugar kungsaan nagmula ang mga putok ng baril.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nanggaling ang mga biktima sa Tumauini para magbenta ng foliar fertilizer gamit ang single motorcycle at papauwi na nang tambangan ang mga ito.
Ayon sa pulisya, tatlo ang nagsagawa ng pamamaril batay sa salaysay ng mga saksi. Tumakas ang mga salarin sa direksyon ng Unio, Cabagan.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang tropa ni Police Major Junniel Perez, hepe ng Tumauini Police Station. Sinisikap ng mga ito makakuha pa ng kopya ng mga CCTV footage na makapagtuturo sa pagkakakilanlan ng mga salarin na sakay ng mga motorsiklo.(Rey Velasco)

The post PASTORA, NEGOSYANTE PATAY SA AMBUSH! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PASTORA, NEGOSYANTE PATAY SA AMBUSH! PASTORA, NEGOSYANTE PATAY SA AMBUSH! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.