Facebook

Manyakis na ama patay sa parak

TIGOK ang manyakis na ama nang manlaban sa mga otoridad sa Marilao, Bulacan.

Kinilala ang nasawi na si Rene U. Manaog, construction worker, ng Barangay Sta Rosa 1, Marilao.

Ayon kay Police Colonel Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Director, 7:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Bgy. Sta Rosa 1.

Sa report, pinaputukan ni Manaog ang papalapit na mga operatiba, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi nito oon din.

Nabatid na ipinagharap ng reklamo ang suspek ng anak na babae nang pagsamantala nito ang kapatid niyang 8-anyos noong July 12, 2021, 7:30 ng gabi. Sa pagsisyasat, lumabas na ilang ulit itong ginahasa ng ama ang sariling anak.

Isinaad din ng biktima na nakita nito ang ama na nakaibabaw sa 3- anyos na batang kapatid habang nanonood ng porn videos.

Narekober ng mga otoridad ang isang caliber 38 pistol, 2 basyo ng bala ng cal. 38 at basyo ng bala ng cal. 9mm. (Mark Obleada/Thony D. Arcenal)

The post Manyakis na ama patay sa parak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manyakis na ama patay sa parak Manyakis na ama patay sa parak Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.