Facebook

Manila Police gumamit na ng body cam

GUMAGAMIT na ng body camera sa mga isinasagawang operasyon ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD).

Ayon kay Brigadier General Leo Francisco, direktor ng MPD, 16 body cameras ang naka-deploy sa bawat istasyon ng pulisya sa Maynila.

Apat rito, naka-live at 12 ang nakatutok upang mag-record ng bawat pangyayari.

Sinabi ni Gen. Francisco na direktang napapanood sa live stream ng Punong Tanggapan ng Chief PNP ang operasyon ng MPD gaya ng pagsisilbi ng ‘warrant of arrest’ at ‘search warrant’.

Bukod rito, mayroon ding dalawang command centers kungsaan napapanood ng live ang operation.

Mayroon din docking station kungsaan ilalagay ang lahat ng nairekord ng operatiba

Sinabi ni Francisco na kung ano ang sequence ng mga pangyayari, buoung-buo itong ilalagay sa docking station, hindi maaaring burahin, i-chop-chop, bawasan o dagdagan, dahil nakarekord ang bawat kilos sa bawat segundo o oras at petsa.

Dire-diretso, aniya, ang live stream at nagkakaroon lamang ng problema kapag humina o nawalan ng communication signal o na-low bat, ngunit may back up camera na magpapatuloy sa recording at pagkuha ng footages.

Sinabi ni Francisco na sa ngayon ay may hinihintay pa silang guidelines mula sa tanggapan ni CPNP Director General Guillermo T. Eleazar hinggil sa paggamit ng body cam lalo na at may mga ispesipikong sektor na dapat ay mapag-ingatan gaya ng mga menor de-edad at mga kababaihan. (Jocelyn Domenden)

The post Manila Police gumamit na ng body cam appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manila Police gumamit na ng body cam Manila Police gumamit na ng body cam Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.