Facebook

Binatilyo binaril ng selosong bespren

BINARIL ng isang teenager ang kaniyang kaibigan dahil sa selos sa Tondo, Maynila.

Sa report, nakaligtas ang biktima nang pumalya ang baril ng salarin.

Sa kuha ng CCTV, kita sa video kung paano ilang beses tinangka barilin ng salarin ang 19-anyos na biktima ngunit hindi pumutok ang baril.

“Nagulat nalang po ako, pagtingin ko pinuputok niya po pero hindi pumuputok,” kuwento ng target. “Tumakbo nalang po ako at sumigaw.”

Sa ulat, umalis ang gunman at bumalik ito matapos ang ilang oras, pero nagluko parin ang kaniyang baril.

Sa bandang dulo, napaputok na ng suspek ang baril pero sa bahay tumama ang bala. Walang nasaktan sa pamamaril, pero nagalusan ang biktima habang tumatakbo.

Nahuli ang gunman nang magsumbong sa pulis ang biktima. Naaresto rin ang may-ari ng baril.

Aminado ang lasing na 18-anyos na nagawa lang niya ito dahil sa selos.

Desidido naman ang biktima na magsampa ng reklamong attempted murder laban sa kaibigan, na nahaharap din sa reklamong illegal possession of firearms. (Jocelyn Domenden)

The post Binatilyo binaril ng selosong bespren appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Binatilyo binaril ng selosong bespren Binatilyo binaril ng selosong bespren Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.