Facebook

CAFGU napraning, nanunog: aso patay, 6 motorsiklo naabo

SORSOGON CITY – Ddahil sa problema sa pamilya, isang miyembro ng CAFGU na nakabase sa Barangay San Isidro Patrol Base sa bayan ng Sta Magdalena ang nag-amok at nanunog.

Kinilala ang CAFGU na si Albert Uy Gajo, 35 anyos, may asawa, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, nawindang si Gajo, na dati nang may problema sa pamilya, nang sabihan ng kanyang opisyal na magpahinga at mag-leave muna sa trabaho. Hindi umano ito naintindihan ng una, inakalang tinatanggal na siya sa trabaho bilang CAFGU.

Nagwala ito sa loob ng Patrol Base at sinunog ang mga motorsiklo na personal na pag-aari ng kanyang kasamahan at ang iba pag-aari ng mga sundalo. Nadamay pa ang isang Belgian dog na nasa kulngan sa tabi ng mga nakaparadang motorsiklo.

Nahaharap si Gajo sa kasong Arson at direct assault.

The post CAFGU napraning, nanunog: aso patay, 6 motorsiklo naabo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CAFGU napraning, nanunog: aso patay, 6 motorsiklo naabo CAFGU napraning, nanunog: aso patay, 6 motorsiklo naabo Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.