NASAWI ang tserman ng isang barangay nang pagbabarilin sa Barangay Quibaol, Lingayen, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Frederick Abalos, tserman ng Bgy. Balococ, Lingayen.
Sa report, nakasakay si Abalos sa tricycle na minamaneho ng kanyang bayaw na si Eddie Bautista nang paputukan ng mga hindi pa nakilalang salarin na nakasakay sa isang motorsiklo at mabilis na tumakas.
Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.
The post Bgy. kapitan tinodas ng tandem appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Bgy. kapitan tinodas ng tandem
Reviewed by misfitgympal
on
Hulyo 15, 2021
Rating:
Walang komento: