Facebook

Higit 200 Police Traffic ng MPD sinibak

MAHIGIT 200 tauhan ng Manila Police District – District Traffic Enforcement Unit (MPD DTEU) ang sinibak sa puwesto.

Ito ang kinumpirma ni MPD director Brigadier General Leo Francisco .

Isa sa mga rason ng pagsibak sa mga ito, ayon kay Francisco, ay ang ‘overstaying’ o matagal na sa puwesto, na karamihan umabot na sa 5 hanggang 11 taon, hindi nare-reshuffle.

Hindi naman, aniya, nagalaw ang hepe upang magtuluy-tuloy ang promosyon nito.

Sinabi ng Heneral na natuklasan niyang nasa duty lamang ang mga nasabing traffic police kapag rush hour o mula 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga, at kapag hapon mula 4:00 hanggang 8:00 ng gabi.

Pagkatapos ng rush hour hindi na sila mahagilap dahil hindi narin nagsisibalik sa opisina.

Agad namang napalitan ang lahat ng mga miyembro ng MPD-DTEU na nasa 240, at nagtakda narin ang Heneral ng panuntunan upang makatiyak na hindi makapandaraya sa oras ng duty ang bawat police.

Dagdag pa ni Francisco, ang mga may duty ng 6:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon ay kailangang mag-report sa opisina ng 5:30 ng madaling araw, habang ang naka-duty ng 2:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi ay dapat mag-report ng 1:30 ng hapon.

Matapos ang bawat duty, kailangan silang mag-report sa station commander na nakasasakop sa kanila.

Samantala, ibinalita ng Heneral na magkakaroon na rin ng bagong gusali ang Manila Traffic Bureau na nasa Port Area.(Jocelyn Domenden)

The post Higit 200 Police Traffic ng MPD sinibak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Higit 200 Police Traffic ng MPD sinibak Higit 200 Police Traffic ng MPD sinibak Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.