Facebook

POSO chief ng Calamba City nakaligtas sa inambus, 3 sugatan

LAGUNA – Mapalad na nakaligtas sa kamatayan ang hepe ng Public Order and Safety Office (POSO) dito nang pagbabarilin habang lulan ng kanilang serbis sa bahagi ng Barangay Bucal, Calamba City.

Sa inisyal na ulat ni Regional Public Information Officer (RPIO) Police Major Mary Ann Crester Torres, tinambangan ang grupo ni POSO chief Jeffrey Rodriguez na lulan ng puting Toyota Hilux pickup sa may tapat ng Letran College sa Bgy. Bucal bandang 5:00 ng hapon ng Miyerkoles ng riding in tandem criminals.

Ang grupo ni Rodriguez kasama ang police security nitong si Corporal Ronnel Balimbing ay nagtungo sa lugar para magsagawa ng clearing operation.

Masuwerteng hindi tinamaan sa Rodriguez na nakaupo sa likuran sa sunod-sunod na mga putok mula sa mga kriminal, pero nahagip si Balimbing na nagawang makaganti ng putok, at ang kanilang na si Comendador at bystander na si Angie Lorenzana, 34 anyos.

Mabilis na tumakas ang riding in tandem. Kaagad namang naisugod sa ospital ang mga biktima na nasa ligtas nang kalagayan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.(Dick Garay)

The post POSO chief ng Calamba City nakaligtas sa inambus, 3 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
POSO chief ng Calamba City nakaligtas sa inambus, 3 sugatan POSO chief ng Calamba City nakaligtas sa inambus, 3 sugatan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.