Facebook

Abogado at mister tinodas

DAVAO CITY – Patay sa pamamaril ang isang abogado at misis nito sa labas ng kanilang bahay sa lungsod ng Davao, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Atty. Sitti Gilda Mahinay-Sappie at mister nitong si Muhaimen Mohammad Sapie, kapwa residente ng Phase 2, Solariega Subdivision Talomo nitong lungsod.

Sa report, 4:00 ng hapon nasa labas ng kanilang bahay ang mag-asawa nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Isinugod pa ang mga biktima sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

Nabatid na may programa ang mga biktima sa isang FM radio station sa lungsod kungsaan madalas nilang pinag-uusapan ang kasalukuyang pangyayari sa bansa at iba pang mabibigat na isyu.

Kilala si Sitti na legal counsel ng mga may problema sa lupa sa Davao del Sur at Davao del Norte.

Hinuli siya noong June 25, 2019 base sa search warrant dahil sa kasong illegal possession of firearms nang makuhaan ng Beretta 9mm at mga bala.

Nakalabas si Sitti nang makapagpiyansa noong July 1, 2019.

Mahigpit ang seguridad sa subdivision ng mga biktima. May mga security guard rito na nakabantay. Kaya kabilang ang mga guwardiya sa iimbestigahan ng pulisya.

The post Abogado at mister tinodas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Abogado at mister tinodas Abogado at mister tinodas Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.