Facebook

MAG-INA BRUTAL NA PINATAY NG TIYUHIN!

SORSOGON CITY – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina sa Barangay Tomalaytay, Castilla, Sorsogon, Miyerkules ng gabi, Hulyo 13.

Kinilala ang mag-ina na si Rose Ann May Tariga, 23 anyos, may kinakasama; at 6- anyos na babaeng anak nito.

Sa report, natagpuan ng biyenang babae ang bangkay ng mag-ina umaga na ng Hulyo 14.

Naliligo ng sarili nilang dugo ang mga biktima – may mga gasgas sa katawan, parehong ginilitan ang mga leeg habang, may saksak pa sa mukha ang bata. Ang ina naman naman ay halos tumabingi pakaliwa ang panga nito. Posible ring hinalay ang ina dahil wala itong saplot at tinakpan lang ng kumot ang katawan nito.

Ayon sa bagong hepe ng Castilla Police na si Police Major Marmay Fartingca, hihintayin pa nila ang resulta ng awtopsiya ng SOCO sa mga labi ng biktima para malaman ang iba pang ‘fatal wounds’ ng mga ito at kung may nangyaring panggagahasa.

Ang tiyuhin ng nanay na biktima ang itinuturong salarin na tumakas pero nahuli rin ng pulisya sa barangay ng Bagalayag.

Inamin ng salarin sa pulisya ang krimen, nagsabing nakainom ito sa oras ng insidente.
Alitan sa partner ng biktima ang isa sa mga anggulo sa krimen.

“Inamin naman po niya na siya ang may gawa ng krimen. Ang sabi niya, kaaway niya daw kasi yung ka-live in ng victim. And iniwan din itong salarin ng kalive-in niya 3 days ago. So yun nag-inom. Nagdilim yung paningin wala raw siya sa tamang pag-iisip kaya nagawa niya yung krimen. Wala that time yung asawa ng biktima kasi nangisda sa bayan ng Bulan,” ani Major Fartinca.

Pero bigong madala ang salarin sa istasyon ng pulis nang pagbabarilin ito nang manlaban na nagresulta sa pagkapatay nito.

“Nagpaalam yung suspek na iihi raw, so in-assist naman siya kaya lang nung inaalis na yung posas bigla pong inagaw yung firearm ng aming tropa. Natumba sila. Nag-struggle dahil nga dun sa firearm tapos nakalabit yung putok and hawak na ng suspek yung baril kaya naalarma yung ibang kasamang pulis kaya pinaputukan na nila yung suspek,” sabi ng opisyal.

The post MAG-INA BRUTAL NA PINATAY NG TIYUHIN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAG-INA BRUTAL NA PINATAY NG TIYUHIN! MAG-INA BRUTAL NA PINATAY NG TIYUHIN! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.