Facebook

Basurang papel ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration?

HINDI na nasurpresa ang MalacaƱang sa panibagong pag-reject ng China sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) kung saan tinawag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian ang ruling bilang “waste paper.” lang ang panalo ng Pilipinas sa PCA sa Netherlands noong 2016

Muling sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang arbitral award ay bahagi na ng international law.

Ayon naman kay Vice President Leni Robredo kailangang magpakita ng tapang ang Pilipinas laban sa China.

Binuweltahan ni Presidential spokesman Harry Roque si Robredo kung anong tapang ang nais nitong ipakita ni Pangulong Duterte.

Paalala niya kay Robredo, sinabi na ni Pangulong Duterte sa United Nations na bahagi na ng international law ang desisyon ng PCA na pumabor sa Pilipinas sa isyu ng agawan sa West Philippine Sea.

Kasabay nito, nanindigan si Roque na hindi maituturing na basurang papel lang ang desisyon ng PCA bilang tugon sa naging pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesman Zhao Lijian.

Aniya sinabi na ni Pangulong Duterte sa UN na walang indibiduwal o estado ang maaring bumalewala sa panalo ng Pilipinas laban sa China.

Iginiit ni Roque na hindi polisiya ni Pangulong Duterte na isuko ang teritoryo ng Pilipinas.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Basurang papel ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Basurang papel ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration? Basurang papel ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.