Facebook

Jueteng lord na si alyas ‘John Yap’ namumuro na kay Gob. Jonvic Remulla

HINDI lang ang Peryahan ng Bayan ni alyas “Renel” sa Lungsod ng Caloocan ang nakatigil ngayon, kundi maging ang 1-40 na pasugal sa Lungsod ng Taguig.

Mismong si Mayor Oscar Malapitan ang nagpatigil kay Colonel Samuel Mina sa jueteng ni alyas Renel.

Si Mayor Lino Cayetano naman ang nagpatigil kay Colonel Celso Rodriguez sa 1-40 pasugal ni alyas “John Yap”.

Sana, tiyakin ni Cayetano kay Rodriguez na walang papayagang tupada, o iligal na sabong ng mga manok, sa Taguig.

Pokaragat na ‘yan!

Abangan naman natin ang notoryus na Roleta ng Bayan ni alyas John Yap sa Cavite.

Idiniin umano ni Gobernador Juanito Victor “Jonvic” Remulla na wala siyang pinapayagan na kahit anong klaseng iligal na sugal sa Cavite.

Pokaragat na ‘yan!

Kahit na Roleta ng Bayan na siyang ginagamit sa jueteng ay hindi siya pabor.

Tiniyak ng mapagkakatiwalaang sources mula sa pamahalaang panlalawigan na namumuro na raw ang sinasabing John Yap kay Remulla.

Hindi na nagugustuhan ni Remulla ang nakararating sa kanyang masamang balita ukol sa talamak, garapalan at lantarang pajueteng ng naturang John Yap.

Idinugtong pa ng sources na bubulagain na lamang ni Remulla ang iligal na pasugal ni alyas John Yap.

Inilihim ng sources ang grupong uutusan ng gobernador upang matuldukan ang iligal na pasugal ni alyas John Yap sa buong Cavite.

Abangan!

Sa tingin ko, hindi sa Philippine National Police (PNP) ipapatarabaho ni Remulla ang iligalidad ni alyas John Yap dahil palpak at inutil ang yunit ng pulisya sa Cavite na magdadalawang taon nang pinamumunuan ni Colonel Marlon Santos sa larangan ng paglaban at pagsugpo ng jueteng ni alyas John Yap na nagtatago sa Roleta ng Bayan.

Pokaragat na ‘yan!

The post Jueteng lord na si alyas ‘John Yap’ namumuro na kay Gob. Jonvic Remulla appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jueteng lord na si alyas ‘John Yap’ namumuro na kay Gob. Jonvic Remulla Jueteng lord na si alyas ‘John Yap’ namumuro na kay Gob. Jonvic Remulla Reviewed by misfitgympal on Hulyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.