Facebook

MGA NASUNUGAN SA LAGUNA INAYUDAHAN NI GO

Dagliang nagpadala ng ayudang pangkatulungan sa mga nasunugan sa Cabuyao City, Laguna si Senator Christopher “Bong” Go kasunod ang panawagan nito na paigtingin ang Senate Bill No. 1832 na nag-aatas sa Bureau of Fire Protection, upang isagawa ang programang makabago sa mga kagamitan at pasilidad ng kanilang mga operasyon.

Sa mensahe ni Go nitong July 21 ay kailangang mabigyan ng suporta ang mga local fire department sa ikapagkakaroon ng mga kagamitang kanilang magagamit para sa pananggalang at seguridad ng mga bombero gayundin ng mga ari-arian. Ipinunto rin nito ang kahalagahan sa pagpapalakas ng fire prevention awareness drives lalong-lalo na sa mga mahihirap na komunidad.

“Mga kababayan, masakit man ang nangyari, ang importante ay buhay tayo. Ang gamit naman nabibili at ang pera kikitain natin. Subalit ang perang kikitain ay hindi mabibili ang buhay. Tandaan natin na a life lost is a life lost forever. Dapat maging proactive tayo. Panahon na para i-upgrade ang kapabilidad at mga pasilidad ng Bureau of Fire Protection. Bukod sa pagiging laging handa, dapat maging informed din ang ating mga kababayan kung paano maiiwasan ang mga insidente tulad ng sunog,” pahayag ni Go.

Ang mga kawani ni Go ay namahagi ng mga pagkain, financial assistance, food packs, vitamins, masks at face shields sa 14 na pamilyang nasunugan sa Bigaa Barangay hall. Namahagi rin ng karagdagang financial assistance sa hiwalay na ginawang pamamahagi ng mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development ( DSWD).

Hinimok ni Go na kung kinakailangan ang pagpapagamot ay magtungo ang mga ito sa Malasakit Center sa San Pablo City General Hospital, San Pablo City o sa Laguna Medical Center ng Santa Cruz para sa ikadadali na matanggap ng mga ito ang medical assistance na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Ang centers ay one-stop shops na kinaroroonan ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, and Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang Malasakit Centers program na inilunsad ni Go noong 2018 at naisabatas noong 2019 ay may mahigit 2 milyong mga pasyente sa buong bansa ang nakabenepisyo.

”Sa mga pasyente dito, kung may bill kayo, ilapit niyo lang ito sa Malasakit Center at tutulungan kayo nito makahingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno. Hindi niyo na kailangan bumiyahe para pumila sa iba’t ibang opisina. Wala itong pinipili. Basta poor at indigent patient ka, qualified ka,” paalala ni Go.

Pinasalamatan ng naturang Senador ang mga local official sa mabilis nilang pagresponde sa pangangailangan ng kanilang mga apektadong constituents na ilan sa kaniyang mga binanggit ay sina Mayor Rommel Gelocea, Vice Mayor Leif Opiña at Punong Barangay Mario Servo.

Si Go na adopted son ng CALABARZON region ay inayudahan din ang mga nasunugan noong June 15 sa Brgy. Calubang, Calamba City. Mahigpit na ipinairal ng mga kawani ni Go ang health and safety protocols laban sa COVID-19 nang isinagawa ang mga pamamahagi.

Sinuportahan din nito ang pagpopondo ng iba’t ibang proyekto sa naturang probinsiya na naglalayong mapaunlad ang ekonomiya tulad ng pagsasaayos sa mga drainage canals sa Cabuyao City at Victoria; public markets sa Liliw at Rizal; slaughterhouse sa Mabitac; new floor and renovation ng capitol building sa Sta. Cruz; billeting area sa PNP-SAF Fort, Sta. Domingo; at multi-purpose buildings sa Cavinti, Liliw, Lumban, Majayjay, Pagsanjan, Pila, Santa Cruz, Siniloan, Sta. Maria, Paete at Pila.

Sinuportahan din ni Go ang pagpopondo para sa rehabilitasyon o pagpapasemento sa existing roads ng Biñan City, Luisiana, Nagcarlan, Paete, Pila, Rizal, Sta. Cruz, at Sta. Rosa; improvement ng mga drainage system sa Biñan City; construction ng Calamba City Hospital, paglalaan ng mga karagdagang ambulansiya para sa Calamba City, Nagcarlan at Sta. Rosa City; at karagdagang tulong sa indigent individuals para sa kabuuang lalawigan.

Noong taong 2019 ay idineklarang adopted son ng CALABARZON region si Go sa pamamagitan ng manifesto na ipinalabas ng mga Governor ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

“Batangueño rin po ako… kahit na lumaki kami sa Davao, ang lolo’t lola ko ay dito lang sa Sto. Tomas at tsaka sa Tanauan kaya magkapitbahay lang po tayo. Lapitan niyo lang ako dahil patuloy akong magseserbisyo sa kapwa kong Pilipino. Hindi namin kayo pababayaan mga kapwa kong taga-CALABARZON,” pagpupunto ni Go.

The post MGA NASUNUGAN SA LAGUNA INAYUDAHAN NI GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA NASUNUGAN SA LAGUNA INAYUDAHAN NI GO MGA NASUNUGAN SA LAGUNA INAYUDAHAN NI GO Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.