SUPORTADO ni Senator at Senate Committee on Health and Demography chairman Christopher “Bong” Go ang naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corporation na bilisan pa ang pagsasaayos ng mga unpaid claims due sa iba’t ibang ospital.
Nakipag-ugnayan si Go kay PhilHealth President Dante Gierran at sinabing maraming natatanggap na reklamo ang kanyang tanggapan hinggil sa mga hindi pa nababayarang hospital claims.
“Bagama’t overwhelmed ang PhilHealth at apektado rin ang kanilang operasyon dahil sa pandemya, nagbigay ng assurance si Mr. Gierran na ginagawa ng PhilHealth ang lahat para mapabilis ang proseso,” ang sabi ni Go.
“Halos 12.5 million claimants ang pinoproseso nila sa isang taon. Equivalent po iyan to more than one million a month,” idinagdag niya.
Kamakailan, inilatag ng PhilHealth ang paglulunsad nito ng debit-credit payment method (DCPM) para mas kombinyete at mapabilis ang pag-aayos ng accounts payable sa health care facilities (HCFs) sa gitna ng pandaidigang pandemya.
Ayon kay Gierran, nasa 60% ng claims ang nabayaran na sa pamamagitan ng DCPM, at humigit-kumulang 40% ng claims na lamang ang masusing bina-validate para matiyak na walang pondong masasayang.
Ayon kay Go, nakikipagtulungan din ang PhilHealth sa National Bureau of Investigation para siyasatin ang mga kaso ng false claims nang sa gayo’y maiwasan ang katiwalian at delay sa proseso.
Batid niya ang paghihirap ng mga ospital sa pagresponde sa COVID-19 pandemic, nanawagan si Go sa mga ito na manatiling nakikipagtulungan at maging tapat sa kanilang claims, partikular ngayong may krisis ang bansa.
“Please validate your claims and make sure they are correct, accurate, and compliant with the law,” sabi ni Go.
“Kaysa maubos ang ating oras sa pagba-validate ng claims at pagpa-file ng kaso sa mga nanloloko diyan, magtulungan tayo upang masigurong walang masasayang o mananakaw na pera, at mas mapapabilis ang tulong sa tao,” anang senador.
Iginiit din ni Go na dapat ding agarang ayusin ng PhilHealth ang unpaid reimbursements nito dahil kung hindi ay makaaapekto ito sa kakayahan ng health service providers na tugunan ang medical needs ng Filipinos sa harap ng pandemya.
“Nananawagan po akong muli sa pamunuan ng PhilHealth na bilisan pa ang kanilang processing ng mga lehitimong claims ng mga ospital para hindi maantala ang operasyon at hindi maapektuhan ang serbisyo ng mga health service providers sa mga tao,” ani Go.
Sinabi niya na dapat siguraduhin na tama ang ibinabayad mula sa kaban ng bayan at siguraduhin din na walang napapabayaang kababayan natin na may sakit, lalo na ‘yung mga walang matakbuhan.
“Sa panahon ngayon, bawat araw, bawat oras, bawat minuto, napakahalaga po. Buhay po ang nakataya dito, ng ating mga kababayang Pilipino. Especially in times of crisis, every single peso counts. Let’s work together to save lives!” ayon sa mambabatas.
The post Bong Go: PhilHealth, mga ospital magsanib vs legitimate claims payments appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: