Facebook

Gob. Dolor itinuturong kunsintidor sa minahan sa Mindoro

NALILITO ang mamamayang mindoreƱo sa kanilang nasaksihang at pakikihalubilo noon ng dating Vice Governor sa mga inilulunsad na malawakang “anti-mining rally” noon sa Oriental Mindoro na ang puntirya ay ang mga mining company. Ayon sa mga mindoreƱo na naka saksi sa isinagawang rally noon, napaka-gandang tingnan ang pagsasanib-pwersa at pakikiisa ng dating Bise Gobernador maging ng ibat-ibang religious groups, NGO’s, mga ordinaryong empleyado sa gobyerno mga katutubong minorities at mga polpol na pulitiko para sa isang kilos-protesta sa kalsada bilang pagpapakita ng maigting na pagtutol sa bantang pagmimina. Ayon sa kanila, ang ganito anilang klase ng pagkilos ay hindi na dapat sinasamahan ng dating Bise Gobernador na ngayon ay Governor Humerlito “Bonz” Dolor dahil nagmistulang namumulitika lang umano ito? Mistulang namamangka umano sa malawak na karagatan, matapos lumabas na tatagilid ang kumpanyang minahan ay kumatig na sa mamamayan. Nais ng mga mindoreƱo na gawin na lamang ni Dolor na gawin ang dapat gawin sa kaniyang tanggapan at kausapin kung sino ang dapat kausapin sa halip na sumama pa siya sa mga kilos-protesta na mistula anilang anyo ng pamumulitika lamang. Mariin ding sinabi ng marami mindoreƱo, na sa ayaw o sa gusto natin ang pagpasok ng minahan sa lalawigan, tanging nasa kamay pa rin ni Gob Dolor ang desisyon kung pahihintulutan ang pagmimina o hindi sapagkat sa puntong ito, nalalaman natin kung sino ang dapat nating pagkatiwalaan ngayong darating na halalan at kung sino nga ba ang talagang “Anti-Mining”. Nakakabahala na ang malawakang baha sa bahay ng Naujan at Calapan City na ang itinuturo ay ang walang habas na pagpapasabog at paghuhukay ng Sta Clara Power Corporation kung saan ang dating malalim na “Bucayao River” ay naging mababaw na dahil sa dito umano natatapon ang mga debris ng pagpapasabog sa kabundukan na nagsimula pa noong 2015 at 2021 na hindi pa tapos? Anyare Gov. Bonz Dolor?

Nagtataka rin sila kung bakit sa dinami-dami ng mga itinatayong power plant sa Oriental Mindoro ay patay sindi parin ang supply ng kuryente na dumaranas palagi ng napakahabang brownout kung saan nagkandasira ang kanilang mga appliances. Itong malawakang baha na naminsala sa maraming residente sa Naujan at Calapan, wala tayong ibang sisihin dito kundi ang kunsintidor na mga pulitiko na anti-mining kuno na sinasabing tumanggap diumano ng malaking halaga sa (Santa Clara Power Corporation) Catuiran 8 MW Hydro Power Plant sa bayan ng Naujan ayon sa mga galit na galit na mga residente sa nasabing bayan?

Samantala kung inyong matatandaan noong nakaraang taon, Sinunog ng nasa 30 hinihinalang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang Sta. Clara International Corporation 8 Megawatts Catuiran Hydro Power Plant sa Barangay Malvar, Naujan Oriental Mindoro. Ayon kay PNP MIMAROPA noon, nakatanggap umano ng tawag ang Naujan Municipal Police Station mula sa barangay captain ng Barangay Malvar at 203rd Brigade CAFGU Patrol Base kaugnay sa nangyayaring panununog. Batay umano sa kwento noon ni Emilyn Tresioso, Project Manager ng Sta. Clara International Corporation, nagpakilala umanong mga miyembro ng Philippine Army ang mga suspek. Una aniya nilang nakita ang maitim na usok na nagmumula sa heavy equipment kaya agad na inutos sa mga empleyado ang paglikas sa lugar. Bukod sa 12 units ng mga heavy equipment sinunog rin ng mga umano’y rebelde ang main and safety office maging kanilang bodega. Pagkatapos nang panununog ay nagpakilala silang mga miyembro ng NPA.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Gob. Dolor itinuturong kunsintidor sa minahan sa Mindoro appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gob. Dolor itinuturong kunsintidor sa minahan sa Mindoro Gob. Dolor itinuturong kunsintidor sa minahan sa Mindoro Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.