Facebook

MILITARY PLANE MAY SAKAY 92 SUNDALO BUMAGSAK: 17 PATAY!

BUMAGSAK ang isang C-130 military plane ng Philippine Air Force na may sakay na 92 sundalo sa Patikul, Sulu nitong Linggo ng tanghali.

Ayon kay Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief of Staff, General Cirilito Sobejana, 11:30 ng umaga nang bumagsak ang C-130, may tail number 5125 sa Barangay Bangkal, Patikul.

Sinabi ni Sobejana na agad naman naapula ang apoy at na-rescue ang 40 pasahero sa 92 sakay ng eroplano. Ginagamot ang mga nasugatan sa 11ID hospital sa Busbus, Jolo.

Pinangunahan ni JTF Sulu Commander, Major General William Gonzales, ang rescue operations sa mga pasahero at crew ng bumagsak na eroplano. Karamihan sa mga sakay nito ay militar na nakatalaga sa 11th Infantry Batallion.

Ayon kay Sobejana, galing sa Cagayan de Oro ang cargo plane sakay ang mga tropa na idideploy sa probinsiya ng Sulu nang ma-miss nito ang runway at nais i-regain ang power pero hindi nakayanan, bumagsak.

“We are doing our best effort to rescue the passengers,” dagdag ng AFP Chief.
Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na 92 personnel kabilang ang3 piloto, 5 crew at 85 sundalo ang sakay ng C-130.

Ayon kay Lorenzana, habang sinusulat ang balitang ito ay 17 na ang nasawi habang 40 ang sugatan at nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operation.

Ang bumagsak na eroplano dumating sa bansa mula Amerika nito lamang Hulyo 2021.
Kamakailan lang, Hunyo 24, ay isang bagong Black Hawk helicopter din ng AFP ang bumagsak sa Capaz, Tarlac na ikinasawi ng anim na sundalo, tatlo ay mga opisyal. (Mark Obleada)

The post MILITARY PLANE MAY SAKAY 92 SUNDALO BUMAGSAK: 17 PATAY! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MILITARY PLANE MAY SAKAY 92 SUNDALO BUMAGSAK: 17 PATAY! MILITARY PLANE MAY SAKAY 92 SUNDALO BUMAGSAK: 17 PATAY! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.