Facebook

Milwaukee Bucks, NBA Champion ulit matapos ang 50 taon

NASUNGKIT ng Milwaukee Bucks ang NBA world champion makaraang tapusin ang mahigpit na karibal na Phoenix Suns sa Final series sa Game 6 sa iskor na 105-98, sa Fiserv Forum sa Milwaukee,Wisconsin.

Nagtapos ang serye sa 4-2.

Inabot din ng 50 taon bago muling nakatikim ng kampeonato ang Bucks na huling nangyari ay noon pang taong 1971 sa panahon ng basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar at Oscar Robertson.

Mula sa first quarter ay hindi na nagpabaya ang Bucks at agad nilang tinambakan ang kalaban.

Pagsapit ng 2nd quarter ay humabol ang Suns at nalimitahan nila ang Bucks sa kakarampot na 13 puntos lamang.

Pagsapit ng third ay bumawi ang Bucks at nagtabla ang score sa 77 sa pagtapos ng quarter.

Ang two-time MVP na si Giannis Antetokounmpo ay nagpakita ng pinakamatindi at historic peformance nang magbuhos ng 50 points.

Sa first half pa lamang ay tumipon na siya ng 33 points.

Binansagang mala-halimaw ang ipinakita ni Giannis nang magpasok ng 16 sa field goals mula sa 25 attemps, sa free throw isa lamang ang sumably gamit ang 16-of-17, liban pa sa meron siyang 14 rebounds at five blocks sa 42 minitues na paglalaro.

Kaya naman para sa lahat, hands down siyang winner bilang finals MVP.

Bagamat medyo inalat sina Khris Middleton na nagpakita ng 17 puntos at si Jrue Holiday ay may 12, binibit naman nila si Giannis.

Sa panig ng Suns, nasayang ang diskarte nina Chris Paul at may 26 points at si Devin Booker ay nagtapos sa 19 points.

The post Milwaukee Bucks, NBA Champion ulit matapos ang 50 taon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Milwaukee Bucks, NBA Champion ulit matapos ang 50 taon Milwaukee Bucks, NBA Champion ulit matapos ang 50 taon Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.