Facebook

Nawawalang pondo para sa health workers sa Quezon, paiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang civil society group ang kasalukuyang problema ng mga health workers sa lalawigan ng Quezon bunga aniya ng pagkawala ng pondong pansweldo at pambili ng mga medical equipment bilang tugon sa COVID-19 infection sa probinsya.

Ayon sa Quezon Rise Movement (QRM) co-convenor Lani Santos, halos hindi na kumakain ang mga health workers bunga ng ‘di pagbibigay suporta sa kanila ng pamahalaang panlalawigan.

Nanawagan si Santos sa Malacañang, partikular sa Presidential Anti-Crime Commission sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte at kay DILG secretary Eduardo Año na agad na imbestigahan ang nasabing usapin bago pa lumala ng husto ang bilang ng mga namamatay at nagkakasakit dulot ng COVID-19 sa probinsya.

Sa record ng Department of Health, umabot na sa halos 700 kaso ng pagkamatay dulot ng COVID-19 sa lalawigan. Pinakamataas naman ang bilang ng nagkakasakit sa Quezon kumpara sa ibang lalawigan sa CALABARZON, ayon sa health department.

Sa record ng budgetary office ng Quezon provincial government, lumilitaw na ‘di apektado ang sweldo ng mga regular at contractual employees ng provincial capitol sa ‘di pagpasa ng 2021 budget. Nasasailalim ngayon ng isang re-enacted budget ang lalawigan makaraang matuklasan ng provincial board ang mga diumano’y kwestyonableng proyektong isiningit sa annual budget proposal na ‘di tugma sa annual investment plan ng probinsya.

Mahigit P76M ang inilaan ng provincial government sa pasuweldo mula sa pangkalahatang budget na P655M ng Quezon province.

Sa panayam din kay Bokal Sonny Ubana, majority floor leader, natuklasan ng walong miyembro ng provincial board na ‘di tumutugma ang panukalang badyet sa pangakong layunin ni Quezon Gov. Danilo “Danny” Suarez na pagtutuunan ng pamahalaang panlalawigan ang pagtulong sa mga mamamayan laban sa COVID-19.

Sa 2021 proposed budget, tinagpas ni Suarez ng mahigit 20% ang badget ng mga ospital ng lalawigan liban sa dalawang ospital sa kanyang distrito.

Hindi rin aniya pumayag ang Sangguniang Panlalawigan na maglaan ng mas malaking badget para sa pagpapagawa ng mga kalsada, basketball courts at ibang imprastraktura.

Para sa board members, mas mabuti na paglaanan nila ng atensyon ang hakbang laban sa COVID-19, alinsunod na rin sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Walong board members ang ‘di sumang-ayon sa panukalang badyet ni Suarez samantalang lima lamang ang nais itong ipasa.

The post Nawawalang pondo para sa health workers sa Quezon, paiimbestigahan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nawawalang pondo para sa health workers sa Quezon, paiimbestigahan Nawawalang pondo para sa health workers sa Quezon, paiimbestigahan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.