Facebook

PVL: Cignal wagi vs Sta. Lucia

DINISPATSA ng Cignal ang Sta Lucia, 25-22, 25-18, 13-25, 25-20, sa nagpapatuloy na Premier Volleyball League Open Conference sa PVC Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nagsanib puwersa sina Roselyn Doria at Janine Marciano upang pamunuan ang opensiba ng HD Spikers para itakas ang kanilang unang tagumpay matapos ang sunod-sunod na kabiguan sa CherryTiggo Crossovers Lunes.

Tumipa si Doria ng 14 points sa five attacks at five blocks, tampok ang apat na aces. habang si Marciano nagtapos ng 14 points at 13 kills.

Pinuri ni Cignal coach Shaq delos Santos ang kanyang pangkat’ mental toughness.

“Nakaka-proud kasi ang bilis ng adjustment. Imagine one game wala kaming laro, and then, may laro na ulit. Good thing kahit papaano lumalabas yung preparation namin and hopefully, mas mag-improve pa kasi talagang nasa process kami ng transition ngayon,” Wika nya.

May Luna umiskor ng 10 points para sa Cignal kabilang ang walo mula sa attack line,habang si Ayel Estranero kumana ng 18 excellent sets.

The post PVL: Cignal wagi vs Sta. Lucia appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PVL: Cignal wagi vs Sta. Lucia PVL: Cignal wagi vs Sta. Lucia Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.