Facebook

Westbrook at Paul kursunada ng Lakers

KURSUNADA ng Los Angeles Lakers na makuha ang serbisyo ng mga veteran point guards na sina Chris Paul at Russell Westbrook.

Kung maalala nakakadismaya ang naging kampanya ng Lakers nang mabigong madepensahan ang kanilang korona at hindi na umabot pa sa kampeonato.

Sinasabing ang NBA star na si LeBron James at ang Lakers ay kabilang sa kanilang nasa wish list ay masungkit si Paul.

Si Paul at si LeBron ay malapit na magkaibigan.

Liban kay Paul tina-target din daw ng team si Washington Wizards star Russell Westbrook.

Ang pagiging potential candidate ng mga ito para sa sign and trade deal ay maaaring maging kapalit ang mga free agents mula sa Lakers na sina Dennis Schroder, forward Kyle Kuzma at ang guard na si Talen Hoston-tucker.

Ang kakulangan ng point guard ng Lakers ay kapansin-pansina kung umaalis sa laro o nasa bench si LeBron.

Gayunman, malaking katanungan kung papayag ba ang Wizards na pakawalan si Westbrook at si Chris Paul ng Phoenix ngayong off season para sa mga trade deals.

The post Westbrook at Paul kursunada ng Lakers appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Westbrook at Paul kursunada ng Lakers Westbrook at Paul kursunada ng Lakers Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.