Facebook

KOMENTARISTA SA RADYO PINATAY PAGLABAS NG ISTASYON!

NASAWI ang isang komentarista sa radio nang pagbabarilin sa Barangay Mambaling, Cebu City nitong Huwebes ng umaga (July 22).

Kinilala ang biktima na si Rey Cortes, radio blocktimer ng dyRB-Cebu, at residente ng Bgy. Mambaling.

Sa ulat, katatapos lamang ni Cortes na magprograma at kalalabas lang ng istasyon at pasakay na ng kanyang SUV nang biglang kaladkarin ng dalawang lalaki bago binaril sa N. Bacalso Avenue, Bgy. Mambaling, 9:00 ng umaga.

Sinasabing pauwi na sana si Cortes upang ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang misis nang maganap ang krimen.

Sa report, isinugod pa sa Cebu City Medical Center (CCMC) si Cortes para malapatan ng lunas, subali’t wala na itong buhay nang dumating sa pagamutan, ayon sa attending doctor na tumingin dito.

Nagtamo ng tama ng bala sa braso at puso ang biktima.

“I wasn’t able to finish my program which was after his because I had to run down to attend to him. He was already lying down and in pain,” ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak na nagdala sa ospital kay Cortes.

Ayon sa nakasaksi, binaril si Cortes ng mga hindi nakilalang lulan ng motorsiklo.

Napag-alaman na dati naring binaril si Cortes pero naka-survive ito.

Kasal si Cortes kay Kit Matus na news director ng radio station DYSS sa Cebu.

Noong 2017, na-convict si Cortes para sa kasong libel pero nakapagpiyansa.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidene.(Mark Obleada)

The post KOMENTARISTA SA RADYO PINATAY PAGLABAS NG ISTASYON! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KOMENTARISTA SA RADYO PINATAY PAGLABAS NG ISTASYON! KOMENTARISTA SA RADYO PINATAY PAGLABAS NG ISTASYON! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.