Facebook

Criminilogy student patay sa saksak ng trike driver sa Caloocan

PATAY ang 20-anyos na criminology student nang pagsasaksakin ng kapitbahay na tricycle driver Martes ng gabi sa Barangay 12, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Junel Talan, at ang salarin ay si Matias Avenido, Jr.

Ayon sa ulat, pauwi na si Avenido at hindi magkasya sa makipot na eskinita ang tricycle nito dahil sa mga nakaparadang motorsiklo sa tapat ng bahay ng biktima. Pero hindi naman sa pamilya ng biktima ang mga motorsiklo.

Sa kuha ng CCTV, nakitang bumaba si Avenido sa kanyang tricycle at pinagkakatok ang bahay ng biktima. Nag-amok si Avenido na nauwi sa pambubugbog nito sa kapatid ng biktima.

Naglabas ng kutsilyo si Avenido at nasaksak si Talan sa dibdib na kanyang ikinamatay.

Natapyas naman ang labi ng kanyang kapatid, habang sugatan sa braso ang isa pa niyang kuya. Sugatan din sa ulo ang tiyahin ng biktima.

Tumakas si Avenido, dumaan sa likod ng bahay.

Hinahanap pa ngayon si Avenido na nakatakdang kasuhan ng murder at physical injuries.

The post Criminilogy student patay sa saksak ng trike driver sa Caloocan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Criminilogy student patay sa saksak ng trike driver sa Caloocan Criminilogy student patay sa saksak ng trike driver sa Caloocan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.