CAGAYAN – Dahil sa mahigpit na panuntunan at pagpapatupad sa minimum health protocols ay inaresto ng pulisya ang kapitan ng Barangay Andarayan sa North Solana, Cagayan.
Naaktuhan ng mga pulis si Kapitan Apolinario Baldiray na walang suot na face mask at face shield habang nakikipag-usap sa ilan niyang residente.
Iginiit ng mga pulis na dapat magsilbing modelo sa pagsunod sa IATF protocols ang barangay officials tulad ni Kapitan Baldiray para tularan ng kanyang mga kabarangay.
Makikipag-ugnayan ang pulisya sa Department of Interior ang Local Government (DILG) para sila ang magpataw ng kaukulang administrative sanction laban sa opisyal.
Nilabag din ni Baldiray ang Municipal Ordinance ng Solana na nakapaloob sa Executive Order Number 12 na pinirmahan ni Mayor Jennalyn Carag.
Paalala ng pulisya sa publiko, ugaliing magsuot ng facemask at faceshield dahil mataas parin ang Covid-19 cases sa probinsiya. (Rey Velasco)
The post Bgy. kapitan dinakip sa ‘di pagsusuot ng facemask appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: