Facebook

13-anyos timbog sa sangkaterbang armas

NASABAT ng Joint Task Force Central ang isang 13-anyos na lalaki na may dalang mga matataas na uri ng armas sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Ist Mechanized Battalion Commander, Lieutenant Colonel Cresencio Sanchez, Jr., namataan nila sa kanilang military checkpoint sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao ang binatelyo na nagmamaneho ng kuliglig.

Ayon sa spokesperson ng 6th Infantry Battalion na si Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, kuwento ng menor de edad, inutusan lamang siya ng kanyang tatay na dalhin ang mga armas.

Pero hindi pa tukoy ng mga awtoridad kung kabilang ang ama ng bata sa mga rebeldeng grupo.

“Iniisip ng father na he could pass the checkpoint kasi minor. Sa ngayon, under investigation pa, kasi yung name ng tatay hindi connected sa any group,” ayon kay Baldomar.

Kabilang sa mga nakumpiska ang isang M16 rifle, 38 piraso ng M16 barrel, 6 M14 black plate, 2 M16 butt plate, iba’t ibang parte ng mga rifle, welding machine, at tatlong metal clamp.

Malalaki ang paniniwala ni Colonel Sanchez na pagmamay-ari ng BIFF ang mga armas o mga rrmed lawless group.

The post 13-anyos timbog sa sangkaterbang armas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
13-anyos timbog sa sangkaterbang armas 13-anyos timbog sa sangkaterbang armas Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.