Facebook

Pare-pareho lang

HINDI sila nagkakalayo ng kanilang mga kapalaran. Nalulusaw ang naghaharing koalisyon. Nahahati ang PDP-laban sa dalawang paksyon – Pons Cusi at Mane Pacquiao. Hiwalay ang Hugpong ng kung anong nilikha ni Sara Duterte na nakipag-alyansa umano sa iba’t ibang lapian at grupong pulitikal sa bansa. Lumabnaw ang koalisyon na nagpanalo kay Rodrigo Duterte noong 2016. Dahil sa magkakatunggaling ambisyon na kani-kanilang manok, mukhang magkakanya-kanya ang mga grupong bumubuo sa naghaharing koalisyon ni Duterte.

Nagsibakan ang dalawang paksyon ng PDP-Laban. Unang inalis ng paksyon ni Mane sina Pons Cusi bilang pinuno ng partido bago lumipad sa Estados Unidos upang labanan si Errol Spence sa Agosto. Pero walang balita kung inalis ni Mane si Duterte, ang nanalong presidente sa ilalim ng PDP-Laban. Noong Sabado, gumanti si Pons Cusi at inalis ng kanilang paksyon si Mane. Nadamay si Koko Pimentel na kakampi ni Mane.

Mabilis sa draw si Mane dahil naunahan niya si Cusi. Maraming nagtataka kung totoo ang kanilang bakbakan at hindi drawing, o peke. Kilalang masugid na tagahanga ni Duterte si Mane. Hindi niya nakuha ang tiwala ng sambayanan na totoong inupakan niya si Duterte. Sa mga ilang banat niya sa korapsyon ng gobyernong Duterte, kinulang si Mane ng mga detalye na nagpatibay sana sa kanyang mga akusasyon.

Malayo sa isinawalat ni Sonny Trillanes tungkol sa akusasyon ng pandarambong ng P6.6. bilyon kontra Bong Go at Duterte na kanyang inilabas kamakailan. Kumpleto si Sonny Trillanes ng mga dokumento at sa isang iglap, maaari itong isampa sa hukuman. Hindi kaya ni Mane ang mga ganitong malalim sa detalye na diskarte. Masyadong mababaw at salat sa mga detalye.

May alyansa si Sara sa mga lapian ng naghaharing koalisyon, ngunit kung susuriin ang alyansa ay sa mga kilalang political operator at hindi sa lapian. Hindi alam kung may bigat at itatagal ang mga alyansa. Hindi pa natutuyo ang tinta ng kasunduan ng alyansa ng Hugpong at PRP ni Narsing Santiago, itinatwa ng mga kabataang kasapi na nagsabi hindi suportado ng kasapian ang kasunduan. Maliit na partido ang PRP at wala masyadong kasapi.

***

KASAMA ang oposisyon na nasa ilalim ng puwersang demokratiko ng bansa sa pag-inog ng mundo. Nasa iba’t-ibang yugto ang paghahanda ng mga lapian ng naghaharing koalisyon, ngunit bantulot si Leni Robredo kung tatakbo sa panguluhan sa 2022. Lalong gumulo ang sitwasyon nang pumasok si Kiko Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, na nagsabing maghintay magdeklara si Leni. Kapag pinagsama ang kanilang mga mensahe, iisa ang labas: Maghintay.

Nakakaburyong ang lapian na kilala sa sobrang kabagalan ng pagkilos. Pinaghihintay ang lahat samantalang walang paghahanda. Nabubuhay ang LP sa kalatas ng panatisismo sa social media. Maliban sa social media, walang ginagawa ang mga lenitic, o panatikong tagahanga ni Leni, ng anumang paghahanda.

Koleksyon ng pondo? Itanong kay Boy Solicit at ang dalawang babae na mahilig manghingi ng abuloy. Sila ang dahilan kung bakit ‘nagkakawatakwatak’ ang mga tagahanga ni Leni. Ayaw ng iba na mapabilang sa kanila. Ayaw nila busalan ang kanilang bibig sa pagpapahayag ng kanilang saloobin. Ayaw nila na sila ang magdikta kung ano gusto nila ipost sa social media. Iyan ang kaibahan nila sa mga Lenitic na napapa-tumbling kapag hindi nila nagustuhan ang sinulat ng iba.

Iba ang Liberal Party sa 1Sambayan, ang koalisyon ng mga puwersang demokratiko maliban sa Liberal Party. May sariling proseso itong sinusunod sa pagpili ng kanilang manok na ilalaban sa 2022. May malinaw ang direkyon ng 1Sambayan kesa Liberal Party. Tunghayan…

***

MAY post sa social media si “Lustre Palpak” tungkol sa sinasabing lakas umano ng Tsina.

REALITY CHECK

China’s military is flooding social media of video clips about its military might. But China has limited war experience. It’s doubtful if it has sufficient and sustainable military doctrines, unlike the U.S., which has been involved in every modern war. In war, it’s a battle of doctrines.

Its war experience is limited to its limited participation in the Korean War in the 1950s. Its “human wave” infantry attacks of its army is an outmoded doctrine that would not stand a ghost of a chance in modern warfare. Also, its war experience is limited border skirmishes with its neighbors like India, Vietnam, and Russia. Moreover, its subjugation of the ethnic Tibetans and Uighurs could not be considered modern warfare.

China has a cultural – or even civilizational – mindset to produce clones o anything substandard so long as it’s cheap, handy, and easily available. It has never learned to strive for the best or to be on top of the line. Now, they want to rule the world.

It’s doubtful if China has its modern version of doctrine of overwhelming force, which the U.S. used in the Gulf War in late 1990s, or the doctrine of supreme mobility, which, although it did not have the gargantuan multinational force in the 2000s, was used efficiently to subdue Iraq.

***

BALIK tayo kay Leni Robredo. Kapag may batikos si Leni tungkol sa galing magpasya sa usaping pulitika, mistulang mga disintunadong mang-aawit ang mga lenitic at iisa ang sagot. “Basta hintayin ang kanyang desisyon,” anila. Walang problema kung may paghahanda, pero hindi sila naghahanda. Puro lang paasa sa kanilang kampo.

“Basta magtiwala kay Leni,” anila. Paano magtitiwala kung walang paghahanda? Hindi nila masagot ang mga tanong sa paghahanda lalo na ang plano, istratehiya, at gagawin sa panahon ng kampanya. Hindi nila masagot kung may mga nakakalap na sila ng mga taong magaling sa teknolohiya sapagkat ang kalaban ay pandaraya sangkot ang Tsina.

“Basta magaling si Leni,” anila. Ano ang iginaling? Sa totoo lang, humahanga kami kay Leni. Ginampanan niya ng marangal ang tungkulin bilang Bise Presidente. Ngunit may tungkulin din siya bilang lider ng oposisyon. May tungkulin siya sa kanyang mga tagahanga.

Oo nga pala, bokya ang Otso Diretso noong 2019. Bilang pinuno ng oposisyon, wala siyang naipanalo kahit isa sa walong kandidato ng Otso Diretso. Kahit sabihin na dinaya ang Otso Diretso, may ginawa ba si Leni para mapigil ang pandaraya sa susunod na halalan. Tama ang sabi ng mga bumabatikos, ganap siyang tumalikod. Hindi alam at pinag-aralan ang aral ng halalan ng 2019.

Mahirap ang sitwasyon ng mga panatiko. Nabubuhay sila sa panaginip. Sa kanilang limitadong pag-iisip, kapag nagsabi si Leni na tatakbo, sigurado ang panalo. Hindi ganyan ang pulitika. Magulo at maraming sanga-sanga. Mahihirapan manalo si Leni kapag tumakbo sa pagkapangulo. Masyadong naiwanan dahil sa pag-aalinlangan at kawalan ng tiwala sa sarili. Nakakaumay.

***

MGA PILING SALITA: “We must never allow political trolling to control and decide next year’s elections. As a noted columnist has suggested, let’s starve the trolls by instantly blocking them. Never engage with these pieces of toxic garbage. Just kick them out!” – Leila de Lima, bilanggo ng budhi, mambabatas

“ When the Chinese went into the coral reef, and refused to leave, Secretary Albert del Rosario and Ambassador Campbell tried to forge an agreement with the Chinese that would allow for peaceful agreement that China took apart. Manila and Washington stood up to their word, China did not.” – Harry K. Thomas, Jr., dating sugo ng Estado Unidos sa Filipinas

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Pare-pareho lang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pare-pareho lang Pare-pareho lang Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.