Facebook

Nigerian at Pinay sa online scam timbog

TIMBOG ang isang Nigerian national at kasabwat na Pinay sa entrapment operation ng Cyber Financial Crime Unit (CFCU) kasama ang San Carlos City, at Pangasinan Police Station, Biyernes ng hapon sa San Carlos City.

Kinilala ang dinakip sa pangalang David Mark.

Sa ulat, nakipagkita ang operatiba sa dalawang suspek sa isang remittance center sa San Carlos City, bunsod ng reklamo ng nabiktima ng mga ito sa online.

Kuwento ng biktima, June 2020 nang may makilala siya sa online dating app na ‘David Mark’, na nagpakilalang miyembro ng US military.

Nagkaroon sila ng online relationship hanggang sa sabihan siya ni David Mark na papadalhan siya ng package na naglalaman ng US dollars.

Nakatanggap ng tawag ang biktima sa isang nagpakilalang tauhan umano ng Bureau Of Customs (BOC) at ipinaalam sa biktima na mayroon siyang package na na-hold dahil sa malaking halaga ng US dollars.

Nag-alok umano ito sa kanya ng tulong para maayos ito kapalit ng pera. Sa paniniwalang totoo, sinunod ng biktima ang bilin ng suspek. Nagpadala siya ng P30,000 sa isang remittance center.

Pero walang natanggap na package ang biktima. Dito na nagduda ang biktima na na-scam siya.

Muling humingi ng pera ang suspek sa biktima at iginiit na ipadala ito sa pamamagitan ng Smart Padala. Dito na humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad at nahuli ang mga suspek.

Nahaharao ang mga suspek sa kasong swindling/estafa, resistance and disobedience to a person in authority, at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2021.

The post Nigerian at Pinay sa online scam timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nigerian at Pinay sa online scam timbog Nigerian at Pinay sa online scam timbog Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.