Facebook

2 patay, 17 nasagip sa tumaob ng bangka

NASAWI ang dalawang sakay ng tumaob na bangka sa bahagi ng Bakungan Island sa Patikul, Sulu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Hja Suhula Radjuli, 70 anyos; at Sitti Kalasahan Radjuli, 33.

Sa ulat, tumaob ang bangka na may pangalang ‘Friendly’ nang abutan ng masamang panahon sa dagat noong Huwebes.

Galing sa Port Holand, Basilan ang bangka at papunta sa Jolo, Sulu.

Biyernes na nang marekober ang bangkay ng mga biktima.

Sa report, nasa 17 pasahero ang nailigtas kabilang ang isang taon gulang na bata ng mga tauhan ng Philippine Navy.

The post 2 patay, 17 nasagip sa tumaob ng bangka appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay, 17 nasagip sa tumaob ng bangka 2 patay, 17 nasagip sa tumaob ng bangka Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.