Facebook

3 miembro ng pamilya timbog sa ‘syndicated estafa’ sa Laguna

CAMP VICENTE LIM – Bumagsak na sa kamay ng mga kagawad ng Biñan City Police ang tatlo sa sampung itinuturong mga miyembro ng sindikato (scammer) na matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad.

Bitbit ng mga tauhan ni Biñan City Police chief, Lt. Col. Giovanni Martinez, ang tatlong Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Bernard Villaranto Quijano ng RTC Br 153 nang salakayin ng mga ito ang safehouse ng mga suspek kaugnay ng kinakaharap na kasong Syndicated Estafa.

Sa ulat ni Martinez kay Laguna PNP Provincial Director Colonel Serafin Petalio II, ang mga dinakip na pawang miyembro ng isang pamilya ay sina Malaya Gemma Pla-tero, mga anak nitong sina Jessica Mae at James Rainer na pawang residente ng Barangay San Antonio ng lungsod na nabanggit.

Samantala, ang mga pinaghahanap pa ng pulisya ay sina Arnel T. Aratia alyas “Dr. Love”, pangulo ng AGMC; Lilibeth Alub, Venus Bugarin, Ralph Gonzales, Kim Sasutona alyas “Kimpoy”, Jonald Larraquel alyas “Patrick Sy”, habang ang isa pa sa kanilang kasamahan ay patuloy pang kinikilala.

Sinabi ng isa s amga biktima na si alyas Mean, mula sa lalawigan ng Rizal, una syang nag- invest sa grupo ng Cirfund ni alyas Rickne na kasamahan ni Malaya na sinasabing kikita ng doble ang kanilang puhunan, lingid sa kanilang kaalaman na isa palang itong scam.

Maganda, aniya, ang alok sa kanya ni Malaya, ang CEO ng AGMC at isa umanong Certified Public Accountant kaya tiwala sya at ang iba pa niyang kasamahan na walang lokohan sa transaksyon. Subali’t makalipas ng ilang buwan ay bigla na lamang naglaho ang mga suspek at natangay ng mga ito ang milyon milyong piso halaga na inilagak sa AGMC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Police Cpl. Ruben Espanola, may hawak ng kaso, mahigit sa 6,500 katao ang nabiktima ng grupo. Ang pinaka-mababang natangay sa bawat biktima ay isa ay P1 milyon at ang pinaka-malaki ay nasa P32 milyon.

Kasalukuyang nakapiit ang mga nadakip sa Biñan City PNP Custodial Cell.(Dick Garay)

The post 3 miembro ng pamilya timbog sa ‘syndicated estafa’ sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 miembro ng pamilya timbog sa ‘syndicated estafa’ sa Laguna 3 miembro ng pamilya timbog sa ‘syndicated estafa’ sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.