Facebook

Granada iniwan sa tapat ng publication

MASUSING iniimbestigahan ng mga operatiba ang natagpuang granada sa tapat ng isang publication sa Port Area, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District, 9:30 ng umaga nang matagpuan ng isang concerned citizen ang granada na wala nang safety pin sa kanto ng Railroad at 25th Street, tapat mismo ng diyaryong Philippine Star.

Agad naman nirespondehan ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Unit ng MPD at ng Philippine Coast Guard (PCG) para ikordon ang lugar at napagdesisyunan na pasasabugin ang granada dahil hindi na maaaring ibalik pa ang safety pin nito.

Inaalam pa kung sino ang responsable sa pag-iwan o paghahagis ng granada. Tinitingnan pa kung nahagip ito ng CCTV sa lugar. (Jocelyn Domenden)

The post Granada iniwan sa tapat ng publication appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Granada iniwan sa tapat ng publication Granada iniwan sa tapat ng publication Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.