Facebook

Patalo

GINIMBAL kami ng biglang magdeklara ang tambalang Ping Lacson at Tito Sotto ng kanilang intensyon na sumabak sa pambansang halalan sa 2022. Tatakbo sa panguluhan si Ping at pangalawang pangulo si Tito Sotto. Maraming bansag ang tambalang Ping at Tito. Nandiyan ang Pi-Sot, Pi-So, Pi-To, at Pin-To. Natawa kami sa bansag na So-So para sa soft-boiled egg, o malasado kay Ping, at Sotto.

Hindi namin alam kung lilipad ang tambalan na iyan. Tumitindig sila sa hilaw na pulitika. Hindi daw sila pro-administrayon at mas lalong hindi sila pro-oposisyon. Dalawa ang pangunahing puwersa sa pulitika; ang administrasyon o nagpapatakbo ng bansa ang kumakatawan sa unang puwersa; at oposisyon, o kumakalaban sa administrasyon ang pangalawang puwersa. Pangatlong puwersa ang gumigitna sa pangalawa.

Sa kasaysayan ng pulitika ng Filipinas, hindi nanalo kahit minsan ang pangatlong puwersa o “Third Force.” Sumabak bilang Third Force ang tambalang Claro Recto at Lorenzo Tanada ng Citizens’ Alliance Party noong 1957 at tambalang Raul Manglapus at Manuel Manahan ng Party for Philippine Progress noong 1965, ngunit parehong nabigo at third prize lang.

Patalo ang tambalang Ping at Sotto sapagkat walang tradisyon ang bansa na kinikilala ang pangatlong puwersa. Hindi tinatanggap ng mga botante ang hilaw ng paninindigan ng Third Force. Tingnan natin sa kampanya. Sana huwag silang magaya kay Jamby Madrigal na nooong tumakbo sa halalan ng 2010, nagdaos ng miting de avance sa Starbucks Cafe sa NLEX. Pinagtawanan si Jamby.

Hindi bago si Ping Lacson sa halalang pampanguluhan. Tumakbo siya noong 2004, ngunit natalo ng malayo kay GMA at FPJ na nagpukpukan hanggang sa huli. Ngunit may napansin kami. Palaging may 10% sa mga survey si Ping ngunit hindi naglalaro ang kanyang suporta sa 10% hanggang 12%. Hindi siya nakaungos kahit minsan.

***

SA nakalipas na pito o walong linggo, nanguna ang Davao City sa bilang ng mga nagkasakit ng Covid-19. Pinakamarami ang Davao City sa mga nagkakasakit dahil sa pandemya. Hindi natin alam kung may maayos na health care system ang siyudad ni Rodrigo Duterte. Ngunit isa ang sigurado: hindi nakita si Sara Duterte, ang alkalde, na abala sa pag-ikot sa bansa.

Tatakbo bilang pangulo ng bansa si Sara at dahil sa intensyon na maging susunod na pangulo, abala siya sa pagbuo at pagpapatibay ng mga alyansa na susuporta sa kanyang kandidatura. Maalab ang kanyang damdamin na maging pangulo ng bansa. May ningas ang kanyang kalooban. Matindi ang ningas ng apoy.

Mistulang pinabayaan ni Sara ang kanyang siyudad. Hindi niya prayoridad na pangalagaan ang kapakanan ng kanyang siyudad. Mas importante na makaungos sa halalan. Si sara ang nangunguna sa survey ng mga paborito sa halalan, ngunit alam natin na may kasaysayan ang bansa na natatalo ang mga naunang nanguna sa survey. Tingnan natin kung kayang pangatawanan ni Sara ang pangunguna sa survey hanggang sa halalan.

***

BILYON-BILYONG piso ang balitang nawawala at ninakaw umano ng Grupong Davao mula sa kaban ng bayan. Mababasa ang mga balitang ito sa traditional at nontraditional media, lalo na sa social media. Wala ng bago sa pagnanakaw umano ng Grupong Davao sa salapi ng bayan. Ang bago ay ang panukala ni netizen Teddy Perena, masugid na alagad ni Leni Robredo. Aniya: Ang mga tao ang magdadala kay Leni sa tagumpay sa 2022. Kaya mabibigay tayo ng piso-piso sa kampanya.

Natawa kami ng malakas. Piso-piso ang itatapat ni Teddy Perena sa bilyon bilyon piso na nawala o ninakaw umano. Ano ang nangyari kay Teddy? Kunsabagay, hindi dapat unawain literal ang kampanya ni Teddy Perena. Noong 1986, inilunsad ng namayapang Don Chino Roces ang ‘Piso-Piso Para Kay Cory Aquino” upang mangalap ng pondo sa laban kay Ferdinand Marcos. Nagbigay ng magandang laban si Cory kay Marcos na nauwi sa pagpapatalik sa huli sa makasaysayang EDSA People Power revolution noong 1986.

Parehong biyuda si Cory at Leni, ngunit malaki ang pagkakaiba. Pinilit ng mga panatikong tagahanga ni Leni na magkaroon ng balon ng suporta kay Leni nang namatay si Pnoy Aquino noong ika-24 ng Hunyo, ngunit hindi nangyari. Walang “groundswell of support” kay Leni sapagkat hindi naman malinaw sa kanya kung tatakbo o hindi. Bukod diyan, manipis ang base ng suporta ni Leni. Kakaunti lang kanyang tagasunod.

Sinabi namin minsan na hindi hangad ni Leni ang tumakbo sa panguluhan sa 2022. Mapilit lang ang mga maingay at panatikong tagasunod. Hindi nila maintindihan na walang salapi si Leni para itutustos sa kandidatura. Saksakan ng kulit ang mga lenitic. Ipinipilit pa nila na sila ang tutustos sa kanyang kampanya. Mukhang hindi nila naiintindihan na kailangan ang isa or dalawang bilyon piso – o higit pa- sa isang disenteng kampanya.

Marami ng naisulat tungkol sa kawalan ng plano, programa, fund-raising, o pagpapatatag ang Lapiang Liberal. Hanggang ngayon, wala kaming nakikitang patunay na naghanda ang lapian ni Leni na harapin ang mga masamang puwersa na kumubkob sa ating bayan. Maiging huwag na silang pumapel at hayaan na lang ang 1Sambayan na nagbuklod sa puwersang demokratiko.

Hindi namin alam kung saan pupulutin ang oposisyon sa pagtatapos ng halalan. Batid namin ang kawalan ng liderato ng ilang oposisyon na hindi nakita ang kahalagahan ng susunod na halalan upang patalsikin ang mga Duterte sa poder. Samantala, may mga kilalang estafador ang sumasabit sa pangalang Leni. Ayaw nilang umurong dahil mawawala ang kanilang hanapbuhay.

***

MAY magandang isinulat ang aming kaututang baso na si Roly Eclevia. Pakibasa:

Sara Duterte a hard sell
in 2022 presidential derby

In the 2016 presidential election, Rodrigo Duterte got 38% of the vote. Now Pulse Asia projects Sara Duterte will be able to pull the same stunt.

Could Ms. Duterte regale people with jokes on being violated by a gang of sex-starved prisoners, the equivalent of her father’s fantasizing about joining in the rape of a dying or already dead Australian missionary in the Davao Penal Colony? Or cuss every head of state in the world? Call God and Jesus Christ stupid?

That’s how the brute won.

After five years of hunger, mass murders, corruption, and treason, the family wants us to believe that the father remains popular and he passes down his popularity to the daughter.
Ms. Duterte is a hard sell in the coming presidential election.

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Patalo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Patalo Patalo Reviewed by misfitgympal on Hulyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.