DINISPATSA ng Petro Gazz ang PLDT,25-12,20-25,25-21,25-20, para makabalik sa third place sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic and Cultural Center.
Nagsanib puwersa sina Myla Pablo, Gretchel Soltones, at Ria Menesses para sa Angels, para pigilan ang Power Hitters na nagbabanta ng upset sa huling three sets.
Dahil sa panalo ay umangat ang Petro Gazz sa 3-1 rekord kapantay ang Chery Tiggo sa third place sa likuran ng unbeaten leaders Creamline at Choco Mucho (4-0).
Pablo umiskor ng 24 points mula sa 21 kills at three blocks. Menesses may four blocks at 12 attacks para sa 16 points,habang ang playmaker Chie Saet naglatag ng 28 excellent sets.
Soltones tumipa ng 10 points,15 digs at 14 excellent receptions. Ces Molina may 10 marka at Rem Palma nagdagdag ng walo, habang libero Kat Arado kumana ng 23 digs at 19 receptions.
Isa Molde nagpamalas ng nine kills at three aces para sa 12 points tampok ang 21 excellent receptions habang si Chin Basas nagtapos ng 10 marka at 12 digs para sa Power Hitters na nanateling walang panalo sa limang pagsubok.
The post Petro Gazz sends PLDT to cusp of PVL Open elimination appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: