SA lingguhang virtual forum ng National Press Club (NPC) nitong Biyernes, guest namin si Energy Secretary at PDP Laban Vice Chairman Alfonso Cusi.
Sa forum, ibinunyag ni Cusi na ang pagtalaga kay Senador Manny Pacquiao bilang PDP Laban president ay walang basbas ng mayorya, hindi dumaan sa proseso.
Nangyari ito, ayon kay Cusi, nang mag-resign as party president si Sen. Koko Pimentel noong Disyembre 2020. In-appoint ni Koko si Pacquiao bilang president, na kung tawagin ngayon ni Cusi ay “acting President”.
Ang rason naman ni Koko sa pag-appoint kay Pacquiao ay upang magkaroon daw ito ng exposure para sa planong pagtakbong pangulo sa 2022.
Sa aking damdamin, ang tingin nina Cusi sa posisyon ni Pacquiao sa partido ay isang “hao-shiao”. Hindi siya kinilalang presidente ng kabuuan. Tanging si Koko lang yata ang kumikilala sa 8-division world boxing champion turned politician na Pacquiao bilang PDP Laban president. Mismo!
Sabi ni Cusi, sa July 16 (Biyernes) ay magkakaroon ng pagpupulong ang council ng PDP Laban. At kinabukasan, July 17, ay magkakaroon national assembly. Pag-uusapan rito ang posisyon ni Pacquiao, kung tanggap siyang presidente o magkaroon ng eleksyon para sa presidente ng partido. Dapat daw ay dumalo si Pacquiao.
Tiyak hindi makakadalo rito si Pacquiao dahil nakatakda itong lumipad ngayong linggo sa Estados Unidos para sa isang buwan na intensive training para sa nakatakdang laban kay WBC welterweight champion Errol Spence sa Agosto 21.
***
Hindi lang sina Cusi at President Rody Duterte ang kabangayan ngayon ni Pacquiao, maging ang matagal na niyang kaibigan na si dating Ilocos Sur governor ngayo’y Narvacan mayor Chavit Singson ay kasagutan narin ng senador. Ukol naman sa isyu ng Tobacco excise tax ang kanilang pinagtatalunan.
“Kinausap niya ako sa tabacco tax increase, huwag ko daw ituloy, pero sabi ko pasensiya ka na. bestfriend kita pero hindi kita mapagbibigyan. Hindi naman basic commodities ang tobacco, ayaw ko nang magmahal pa ang presyo ng bigas at pagkain, dito nalang tayo magtaas (sa tobacco) bisyo naman ito.”
Malupit ang resbak ni Singson: “Maling mali siya di-yan, hindi siya dapat pumapasok sa isyu na hindi niya alam. Siyam na beses na niyang itinaas ang buwis sa tobacco. Anything na sobra ay masama. Hindi niya alam balansehin. Mag-aral ka muna bago ka pumasok sa isyu. Dahil dyan maliwanag suportado ko pa rin siya sa boxing, pero sa pulitika mag-aral muna siya.”
Matatandaan na itong tobacco excise tax ang isa sa mga kasong ipinukol noon ni Singson nang makulong si dating Presidente Erap Estrada. Hehehe…
Ang palitan naman ng maaanghang na salita between Pacquiao at Duterte ay nag-ugat nang magsalita si Pacquiao tungkol sa kawalan ng aksyon ng Pangulo sa pananakop ng China sa mga isla natin sa West Philippine Sea, at pagpuna ng senador sa aniya’y tatlong doble ang korapsyon ng Duterte administration.
Bagay na nilalait ngayon ni Duterte si Pacquiao. Sinungaling daw ito at ilalantad niya ang naging buhay nito noon.
Sagot ni Pacquiao, kulang nga siya sa talino pero hindi siya sa sinungaling at lalong hindi korap. Aray ko!
Si Pacquiao ang posibleng mahigpit na makakalaban ng iendorsong pangulo ni Duterte sa 2022.
The post Sen. Pacquiao ‘hao-shiao’ PDP Laban president? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: