POSIBLENG pumalo ng 15 libo ang mga bagong kaso ng COVID-19 kahit nasa ilalim na ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, Chairman ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine ng San Lazaro Hospital, posibleng higit pa nga sa 15k ang maging daily cases dahil mararamdaman ang epekto ng lockdown pagkatapos ng pito hanggang sampung araw.
Nitong Agosto 6 lang nagsimula ang ECQ sa Metro Manila na tatagal hanggang Agosto 20.
Paliwanag pa ni Dr. Solante, maganda ang ginawa ng pamahalaan na nagdeklara ng lockdown upang mabawasan ang mobility ng mga tao at mapigilan ang pagkalat ng covid-19.
Samantala, sa datos ng Department of Health, nitong Sabado ay nakapagtala ng 11,021 new cases.
Nagbabala ang DOH na posibleng umabot pa ng 18,000 ang daily new cases hanggang sa katapusan ng Setyembre dahil damang-dama na ang epekto ng Covid delta variant. (Jonah Mallari)
The post 15K new covid cases daily posible – infectious disease expert appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: