Facebook

Pamamahagi ng ayuda sa NCR sisimulan sa Miyerkules – MMDA

INAASAHANG sa Miyerkules simulan ang pamamahagi ng cash aid sa mga pamilyang lubhang maaapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region.

Ayon ito kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos.

“Hindi pa napipirmahan ang joint memorandum circular (JMC). Dito nakasaad ang guidelines at listahan,” pahayag ni Abalos.

“Ang JMC has to be published. Monday ipa-publish, one day ‘yun. So baka Wednesday ito (ang distribution).”

Nitong Sabado naaprubahan na ang mga panuntunang inilatag ng DILG na nakapaloob sa isang joint memorandum circular, kung saan binibigyan ng 15 araw ang mga LGU na ipamahagi ang ayuda, na aabot ng P1,000 kada tao o P4,000 kada pamilya.

Pero kulang pa ang ibinabang pondo ng national government para sa mga benepisyaryo ng ECQ ayuda sa Metro Manila.

Paliwanag ni Abalos, kulang ang P10.89 billion na inilaang pondo ng national government.

Dapat P11.172 billion aniya ang matatanggap ng NCR.

Nagkaroon umano ng technical error sa computation dahil sa pagmamadali na mailabas ang pondo.

Nang isailalim ang NCR plus sa ECQ noong Abril, nagsauli raw ng pera ang ilang lokal na pamahalaan dahil sa sobrang ayuda, kaya naibawas ngayon sa NCR ang perang dapat ay para sa 283,000 na pamilya.

“Ang last ayuda noong Abril, nagsoli ang NCR+ sa national government dahil sobra. Sa computation ngayon, ibinawas ‘yun dahil sobra nga. Ang masama, nagkaroon ng technical error kasi naibawas lamang sa NCR, hindi sa NCR+. So ang binigay na ayuda ngayon dapat P11.172 billion. Ang naibigay lang sa amin ay only P10.89 billion. Ang kulang nito ay P282 million for 283,000 families,” paliwanag ni Abalos.

Pero paglilinaw ng opisyal, inaprubahan na ng IATF ang pagbibigay sa Metro Manila ng kulang na pondo.

Wala pang eksaktong petsa kung kailan mailalabas ang nasabing pondo.

Alinsunod sa pagpapatupad ng ECQ ay kailangang bigyan ng ayuda ang mga apektadong residente, partikular na ang mga mahihirap na pamilyang mawawalan ng trabaho sa pagbabalik ng mahigpit na lockdown.

The post Pamamahagi ng ayuda sa NCR sisimulan sa Miyerkules – MMDA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pamamahagi ng ayuda sa NCR sisimulan sa Miyerkules – MMDA Pamamahagi ng ayuda sa NCR sisimulan sa Miyerkules – MMDA Reviewed by misfitgympal on Agosto 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.