Sa pamamamahagi ng ayuda sa daan-daang mahihirap na mga residente sa bayan ng Lal-lo at Gattaran, Cagayan ay hiniling ni Senate Committee on Health chairman Senator Christopher “Bong” Go sa national at local authorities na bilisan ang paghahatid ng COVID-19 vaccines para sa mga priority groups na nasa mga liblib na lugar.
“Nakikiusap din po ako sa mga LGUs, sa ating national government, magtulungan po tayo. Kung kailangan po suyurin natin ‘yung mga senior citizens para po protektado sila,” pahayag ni Sen. Go.
Nagpahayag din ng pangamba si Go dahil atubili pa rin ang ilang mga Pilipino na lumahok sa kampanyang pagpapabakuna kaya hinimok nito ang mga karapatdapat na mabakunahan sa lalong madaling panahon.
“Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay. Huwag ho kayong matakot sa bakuna, matakot ho kayo sa COVID-19,” saad ni Go.
Ang pamamahagi ng mga rasyon ay isinagawa sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Municipal Gym ng Lal-lo at sa Brgy. Nabaccayan Covered Court ng Gattaran para sa 192 at 136 recipients nitong August 3.
Ang koponan ni Go ay pinanatili ang pagpapairal ng health protocols na pinagbubukod sa mas maliliit na grupo ang mga benepisaryo sa isinagawang pamamahagi ng mga pagkain masks, face shields, at vitamins.
Dagdag dito ay namahagi si Go ng mga bagong pares ng sapatos, bisekleta sa ilang mga benepisaryo at computer tablets naman sa ilang mga magulang para may magamit ang mga nag-aaral nilang mga anak sa pamamagitan ng blended learnings.
“Alam ko pong mahirap ang panahon ngayon, nasa krisis tayo dulot ng COVID-19. Magtulungan lang tayo, magbayanihan ho tayo at magmalasakit po tayo sa ating kapwa Pilipino,” saad ni Go sa kaniyang video message.
Ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development ay inalam ang mga benepisaryong karapatdapat makatanggap ng katulungang pangkabuhayan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program.
“Malaki ang epekto sa amin ng pandemic kase in and out ‘yung tricycle namin, hindi kami masyado makapasada sa araw-araw,” pagkukuwento ng benepisaryong tricycle driver na si Jeffrey Felipe.
“Maraming, maraming salamat po kay President Duterte at Sir Bong Go sa mga ayudang ibinigay niyo sa amin. Malaking tulong na sa aming lahat ito. Sana po marami pa kayong matulungang kababayan nating Pilipino,” pahayag-pagpapasalamat ni Felipe..
Si Go na laging nakatuon para sa pagkakaloob ng kaalwanan sa quality healthcare sa mga Pilipino ay inakdaan at inisponsoran nito ang Malasakit Centers Act. Naglalayon na ang mga low-income Filipino ay mabilis na makakuha para sa medical assistance programs na iniaalok ng DSWD, ng Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang mga residenteng may pangangailangan sa katulungang pagpapagamot ay pinayuhan ni Go ang mga ito na magtungo sa Malasakit Center sa Cagayan Valley Medical Center, Tuguegarao City para mapagserbisyuhan ang mga ito.
Pinapurihan ni Go ang mga local official sa pangunguna nina Representative Ramon Nolasco, Governor Manuel “Manny” Mamba, Vice Governor Melvin “Boy” Vargas Jr., Lal-lo Mayor Florence Pascual at Vice Mayor Maria Olivia Pascual, Gattaran Mayor Matthew Nolasco, at iba pa sa kanilang walang kapagurang pagseserbisyo ngayong panahon ng pandemya.
Upang mapalakas ang ekonomiya at mapagbuti ang paghahatid serbisyo sa publiko, si Go na siyang Vice Chair ng Senate Committee on Finance, ay nagbigay ng suporta sa pagpopondo para sa pagpapagawa ng street lights sa Magapit Mission Road (Magapit-Dagupan), Cabayabasan-Logac-Magapit Road, Bagumbayan-Cambong Road at CSU-Magapit Mission Road sa Lal-lo.
Sinuportohan din ni Go ang iba’t ibang inisyatibang infrastructure sa naturang probinsiya tulad sa pagpapasemento ng farm-to-market road sa Aparri at pagpapagawa ng streetlights sa Camalaniugan; pagpapatayo ng multi-purpose building hall sa Sanchez-Mira; pagsasaayos ng mga kalsada sa Aparri, Amulung, Baggao, Calayan, Gonzaga, Iguig, Santa Teresita, Santa Ana, Enrile, Tuao, Tuguegarao City; at maraming iba pang proyekto.
Ang koponan ni Go ay nagsagawa rin ng gayong pagrarasyon ng ayuda mula July 12 hanggang 18 sa mga kalapit-bayan na kinabibilangan ng Claveria, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Lasam, Sanchez-Mira, Iguig, Alcala, Sta. Teresita, Buguey, Santa Ana, Gonzaga, Aparri at Camalaniugan.
The post 2 BAYAN SA CAGAYAN INAYUDAHAN NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: