Facebook

4 madre sa Carmelite Monastery nasawi sa Covid-19

ILOILO CITY – Umabot na sa apat na madre ang namatay sa Carmelite Monastery and Convent sa La Paz, Iloilo City nang dapuan ng Covid-19.

Nasawi sa naturang sakit nitong Martes, Agosto 10, ang isa pang madre sa monasteryo.

Naitala ang unang Covid-19 fatality sa monasteryo Hulyo 31. Sinundan ito ng Agosto 3 at ang pangatlong madre namatay noong Lunes, Agosto 9.

Nasa 24 madre na sa monasteryo ang nagpositibo sa Covid-19. Pito sa kanila ang dinala sa ospital nang makitaan ng sintomas at mga senior citizen.

Noong Hulyo 25, isinalalim sa lockdown ang monasteryo nang magpositibo sa Covid-19 ang 24 na madre at 9 na kawani.

Mahigpit na mino-monitor ng Iloilo City Covid-19 Team ang iba pang madre at mga kawani na positibo sa virus.

Samantala, nagpostibo rin sa Covid-19 si Archbishop Jose Romeo Lazo ng Archdiocese of Jaro.

Ayon kay Fr. Angelo Colada, direktor ng Jaro Archdiocesan Commission on Social Communication, nasa ospital si Lazo nang makitaan ng mild symptoms noong Agosto 4.

Nakapagtala ang Iloilo City ng 14,576 na kaso ng Covid-19, base sa inilabas na datos ng Department of Health-Western Visayas. Kasama dito ang 12,886 recoveries, 385 fatalities at 1,302 active cases.

The post 4 madre sa Carmelite Monastery nasawi sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 madre sa Carmelite Monastery nasawi sa Covid-19 4 madre sa Carmelite Monastery nasawi sa Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Agosto 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.