
POSITIBO sa paggamit ng ipinagbabawal na droga ang 10 empleyado ng Antipolo City government.
Ito ang natuklasan sa isinagawang random drug testing sa 3,600 empleyado ng lungsod noong Hulyo 16 hanggang 17 ng taong kasalukuyan.
Kinumpirma ito ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares sa kanyang post sa Facebook account.
Aniya, alinsunod sa ‘Drug-Free Workplace Policy’ ng lungsod, magiging ‘subject for termination at administrative sanction’ ang sampung nagpositibo sa iligal na droga.
Ayon pa alkalde, 88 empleyado na ng city hall tinanggal sa serbisyo dahil nagpositibo sa drug test mula nang ipanukala niya ito noong 2013.
Hindi rin nanghihinayang ang lokal na pamahalan kahit pa isang milyon ang halaga ng mga drug test kits, matiyak lang na bawat kawani ay walang impluwensya ng ipinagbabawal na droga.
Binigyan din ng drug test kits ang BJMP at ibang government agency para siguruhin na hindi adik ang kani-kanilang mga kawani.(Edwin Moreno)
The post 10 empleyado ng Antipolo City gov’t. adik – Mayor Ynares appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: