Facebook

Away sa lupa: Magpinsan pinatay ng kamag-anak

BRUTAL na kamatayan ang inabot ng magpinsan sa mga kamay ng kamag-anak dahil sa away sa lupa sa Barangay Madarag, San Enrique, Iloilo, Martes ng gabi (Agosto 11).

Kinilala ang magpinsan na sina Ruben Campos, 30 anyos, ng nasabing barangay; at Limuel Bandianon, 36, ng Barangay Jaguimitan, Passi City.

Ayon kay Major Gilbert Baldevarona, hepe ng San Enrique Municipal Police Station, sakay ng motorsiklo ang magpinsan galing sa lamay nang harangin ng mga salarin .

Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at salarin hanggang sa narinig ng mga residente sa lugar ang sunod-sunod na putok ng baril.

Natagpuan nalang ang magpinsan na nakahandusay sa kalsada.

Agad dinala sa ospital ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival si Campos dahil sa tinamong sugat sa tiyan, at binawian ng buhay habang ginagamot si Bandianon.

Nakuha sa crime scene ang 3 basyo ng balang galing sa 9mm caliber pistol.

Tinutugis pa ng pulisya ang salarin.

The post Away sa lupa: Magpinsan pinatay ng kamag-anak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Away sa lupa: Magpinsan pinatay ng kamag-anak Away sa lupa: Magpinsan pinatay ng kamag-anak Reviewed by misfitgympal on Agosto 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.